Chapter 21

217 7 1

"Yo Xandy!"

"Magkasama na naman kayong dalawa?"

"Yes naman. Give me five Tom!" parang tanga talaga 'tong si Matthew.

"Isip bata ka pa rin Matthew. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa bumabagsak ang negosyo ng family nyo."


"Of course I'm genius. Ewan ko nga ba sayo kung bakit hindi na lang ako ang pakasalan mo."


"Matthew pare, paano naman yung mga chix mo kung mag-aasawa ka na?"

"Oo nga pala, ang sarap mabuhay. Hindi ko alam Xands kung bakit inaapura mo yang pag-aasawa. Ihahanap ka na lang namin. Di ba Tom?"


"Wag mo kong idamay sa kalokohan mo. Baka mamaya hindi na ko makapasok sa bahay namin, baka gawing kutsilyo ni AJ yung doorknob namin. Alam mo naman na patay na patay sayo yun Xands."


"Hey! Wag mo ngang banggitin sa akin ang kapatid mo. Puppy love lang yun kay AJ. Talagang nagagandahan lang sya sa akin. And haller?! Less than 10 years ang agwat namin. Makasuhan pa ko ng child abuse."

"Sayang! Nakulangan sa edad ang kapatid mo bro. tsk!"

"Um-order na lang kayo bago ko pa kayo palayasin dito. Ako na lang ang o-order. Yung pinakamahal ah? Para naman hindi masayang yung pade-date este pagtambay nyo rito. Tsupi na kayo. Ipapaserve ko na lang."


Naka-survive ako noong nawala sa akin si Jaspher, buhay pa rin ako. Pero hindi na narevive yung puso ko.


Hindi ko na maramdaman yung sakit. Hindi ko rin alam kung nakamove on na ba ako, sa facebook account ko nakaprivate lang yung mga album namin.


Kapag nakikita ko yung mga pictures na yun, hindi ko alam kung gusto ko syang ipakulam dahil sinaktan niya ang bubot kong puso.


Simula noon, nagpapanggap akong hindi ko sya kilala at hindi nakilala. Ayokong isipin na natalo ako sa laban namin na ako lang ang lumalaban.

Pero hayaan na, I'm still getting married. Siguro naman masaya na sya sa buhay nya ngayon kasama si Catherine. Hindi na namin sila pinakialaman.

Nagpapasalamat na lang ako sa nangyari dahil si Kuya Sef, si Tom, si Matthew at ako naging magbestfriends. Wala nga lang si Kuya Sef ngayon, nagso-soulsearching daw sya. Mwahahah. Mga lalaki nga naman oh. Mas madrama pa sa mga babae. >o<


"Ms. Alex may phone call po kayo. Si Sir Carlos po."

Kinuha ko naman agad ang phone. "Yo Dad. May nahanap ka na bang ipapakasal sakin?"


Magpapakasal ako dahil ayokong masayang ang magandang lahi namin. Hindi dahil sa in-love ako. Nah. Ayoko ng maramdaman ulit na in-love ako, dahil in the end, I know, ako at ako pa rin ang mas higit na masasaktan.

Natuto na ko.

Dati, hate ko ang IDEAL MAN, ayoko ng disappointments eh. Pag nagmahal ako tatanggapin ko lahat.

Kahit yung amoy ng utot, o kahit na may sipon pa sya na tumutulo, lahat ng nakakaturn off tanggap ko, nagmamahal ako eh. Pero ngayon, saradong sarado na yung puso ko. Padlock susi.

"Xandrea?"

"Ah, yes Dad? Sorry. I was thinking something. May sinasabi ka ba?"

"Ang sabi ko umuwi ka ng maaga ngayon. Hayaan mo na ang manager mo ang mag-asikaso dyan. May mahalaga tayong pag-uusapan."


"Really Dad? Good news or bad news?"

"Good news. You better go home. Pag-uusapan natin ang kasal mo at ng lalaking napili ko na mapangasawa mo."

Operation: A Wedding For AlexandreaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!