Chapter 5

66 1 0

Madie's POV

"H'wag na lang kaya akong tumuloy?" nag-aalangang ani ko kay Jeff habang nasa loob kami ng kotse niya.

''Love naman...''

"E kasi, nahihiya talaga ako e."

''Love... 'di ba sabi ko naman akong bahala sa'yo di'ba? Sige na h'wag ka na masyadong mag-aalala, okay?'' napabuntong-hininga ako. Halos ika- dalawampung beses na ata niya sinabi sa akin iyon. 

"Okay." tipid ko na lamang na sagot, at saka hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya habang naglalakad kami papunta sa malaking garden ng compound nila. Ang daming tao, parang may pa-pista sa kanila dahil sa dami ng mga kamag-anak nilang naruroon.

Larawan sila ng isang malaki at masayang pamilya. Nagkakasayahan ang lahat, may nagkakantahan, nagkukwentuhan, habang ang mga bata naman ay masigasig na naglalaro at naghahabulan doon sa malawak na garden ng compound.

Mayamaya pa ay nahagip ng mga mata ko si Diane na nagmamadaling papalapit sa amin.

"Madie!" tili nito.

Excited?

Mabilis siyang pumulupot sa braso ko nang tuluyang makalapit sa kinaruruonan namin, "Tito, Can I borrow Madie for a while?" anitong may pakindat kindat pang nalalaman.

Nakangiting tinanguan naman siya ni Jeff, saka nagpaalam na may kukunin lang sa kotse.

"Omo! So, totoo nga ang news of the year! Kayo na ni tito, Bhie!?" manghang usal niya. Nahihiyang tumango ako at ginawaran ito ng ngiti bilang tugon.

Hindi maiwasang pagtinginan kami ng ibang naruroon malapit sa amin ng animo'y parang baliw itong tumili sa kakiligan niya. Nakakahiya dahil naagaw noon ang pansin pati nina tita Judith. Malapad rin ang naging pag ngiti nito ng makita ako at kaagad na nagpalapit sa amin. Hindi ko mapigilang mahigit ang hininga at halos manigas ang katawan ko sa sobrang kabang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Ano na lang ang sasabihin niya ngayong boyfriend ko na ang kapatid niya? Nakakahiya!

Napalunok ako ng sunod-sunod.
"Nandito na pala kayo. Nasa'n si Jeff?" nakangiting bungad nito. Tama nga si Jeff, batid na ng mga ito ang tungkol sa aming dalawa.

Nakakahiya talaga!

"May kinuha lang sa kotse, Ma. Hiniram ko lang po 'tong si Madie kay tito e." may pang-aasar na anito.

"I see. Siya sige sumama ka na lang muna sa akin at ipapakilala kita sa mga kamag-anak namin." aniya sabay hinila ako nito at ipinakilala sa mga taong naruroon.

Nakakahiya pa dahil girlfriend ni Jeff talaga ang pakilala nito sa akin. Mukhang nung nagpaulan ata ng kabaitan si Lord ay nasa frontline ang pamilya nito. Tss! Tanggap pa ng mga ito ang relasyon namin ni Jeff kahit alam nilang malayo ang agwat ng edad namin. Panay ngiti lamang ang iginawad ko sa mga ito dahil hindi ko na alam ang sasabihin pa.

Hindi nagtagal ay nakabalik rin si Jeff at ipinagpaalam na pupuntahan raw muna namin ang mama niya. Minsan ko ng nakita ang mama nila, pero isang beses lang 'yon ng minsang pumunta kami sa party nila. Kaya naman mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba at parang dinadaga ang dibdib ko ngayon habang naglalakad kami papasok ng bahay nina Diane.

Kaagad nahagip ng paningin ko ang isang may edad na babae na nakaupo sa isang single couch na naruroon habang kausap nito ang mga apo niya.

Gaya noong pagkikita namin ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda nito kahit na mababakasan mo na ito ng katandaan. Napansin ko rin ang pagkakapareha nila ng mga mata ni Jeff, na malamang ay dito nito namana ang magaganda at singkit na mga mata niya. Lumapit naman si Jeff dito saka humalik sa pisnge.

My Dearest LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!