Chapter 20- Usapang nakakaloko este USAPAN NG MAG-ASAWA.

276 7 0

Carlos Point of View

"Dad." Narinig kong tawag sa akin ni Alexandrea. Ang laki ng pinagbago ng anak ko simula noong naghiwalang sila ni Jaspher.

Hindi na sya yung anak ko na palangiti. Makita man namin syang masaya, may kulang pa rin. Ilang taon na rin yung lumipas simula noong maghiwalay na sila.

"Yes sweetie?" tanong ko sa kanya at pinaupo sya sa tabi ko.

"I'm turning 21 this coming 18th of the month."

"Anong buwan na ba ngayon?" napaisip naman ako. July na pala. Ang bilis talaga umikot ng mundo. "Anong plano mo?"

Ngumiti muna sya bago sumagot.

"I want to get married Dad."

"Xandrea? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" hindi ako makapaniwala, dahil una sa lahat, wala syang boyfriend, hindi nakikipagdate. Nag-aalala na ko sa kanya. Ayoko naman na tumanda sya ng dalaga, ayoko rin na pakialaman ang buhay pag-ibig nya. But, hearing her saying that she wanted to get married makes me sick. "Ni wala kang boyfriend, wala ka man lang naka-date simula ng maghiwalay kayo ni Jaspher."

"Sino sya?" ayan! Ganyan sya palagi. Everytime na babanggitin namin sa kanya ang kanyang ex-boyfriend, kung hindi "Who's he?", "Sino sya?" ang lagi nyang sinasagot. Hindi ba't may pagka-isa't kalahating engot ang anak ko? Hindi ko alam kung kanino ba sya nagmana.

"Nakalimutan mo na yung lalaking minahal mo magtatatlong taon na ang nakaraan?"

"I thought I'm a member of NBSB. No Boyfriend Since Birth. President nila ang napakaganda mong anak Dad." I really can't believe her. Anak ko ba talaga 'to?

Pero Sabagay, ako nga pala ang nagsabi sa kanya na kalimutan niya yung nararamdaman nya kay Jaspher at hindi si Jaspher mismo.

Somehow, I feel that she just wanted to protect her feelings.

"So?" naglalambing na sabi nya sa akin.

"Anong so? So so-in mo mukha mo. Tantanan mo ako Xandrea. Ayokong maging miserable ang buhay mo, kung magpapakasal ka, gusto ko sa taong mahal mo." Napatingin ako sa seryosong mukha ng anak ko. "Bakit gusto mong magpakasal? Minamadali ka ba namin sa apo?" oooopppssss. Minamadali nga pala namin sila ni Jaspher dati, kahit biro lang yun, still, isa yon sa mga magandang biro na hindi nagkatotoo. SAYANG!

"Kasi Dad, ayokong magpakasal dahil sa love keme na yan. You see, I don't want to end up being alone. Gusto kong ihanap ninyo ako ng lalaking mapapakinabangan ko para sa napakaraming business ng family namin. At syempre, no strings attach. Gusto ko lang ng companion sa pagtanda ko. Please?"


"Anak, hindi kita tinuruan magpakadesperada." Pinapairal na naman nya ang katigasan ng ulo nya.


"But Dad, hindi ako magpapakasal kahit kanino hanggang sa ikaw mismo ang pumili ng mapapangasawa ko. Please do remember my ideal man, gusto ko ng gwapo, para maging maganda ang lahi namin, and then ayoko ng gold digger, syempre ayokong maubos ang kayamanan natin, Dad, ayoko ng playboy dahil ayoko ng showbiz. Ano pa ba? Hmmm. Yun na lang muna for now. Goodluck Dad! Mwaaaa!" and with that, iniwan nyang nakalutang sa ere ang isip ko.


"Lina, pakitawag mo nga si Alysa. Papuntahin mo rito."

Ilang minuto pa lang nasa tabi ko na agad ang napakaganda kong misis.

"Yes darling? Gusto mo bang gumawa ng kasunod ni Xandy?" O________o "Joke lang, to naman. Di na kakayanin ng katawan ko. Sana noon pa lang sinabi mo na agad sakin na gusto mong sundan. Edi sana nakagawa tayo ulit." O__________o "Biro lang. Di ka naman mabiro honey. Bakit mo ba ko inistorbo sa pagluluto ko?"

"Gusto ng magka-asawa ng anak mo."

"Bigyan mo ng sampung asawa. Goodluck sa reproductive system ng anak natin." -____- "Oh? Anong masama sa sinabi ko? Sabi mo gusto ng mag-asawa ni Xandy."

"Alysa!"


"Biro lang. Masyado ka kasing seryoso eh." Kung hindi ko lang sobrang mahal 'to, nakuuuuu! "So, you were saying na gusto na ngang magpakasal ng anak natin? Kanino? Samantalang wala man lang syang nobyo na ipinapakilala sa atin. Sila Tom at James Matthew isabit na natin ang kapatid ni Tom na si AJ lang ang malapit kay Xandy. Hindi kaya tinamaan na ng tuluyan ng ligaw na bala yung anak natin at sa ulo tumama?"


 "You think so?"


"Syempre hindi. Dear naman, nagpapaniwala ka agad sa mga sinasabi ko eh." Hindi kaya ang misis ko ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo? =_______= "Ano bang sabi sayo ng anak natin na hindi.raw.kilala.si.Jaspher?"


"Hindi daw magpapakasal ang anak natin sa lalaking hindi ko pipiliin. I mean, it's okay for us if she will be get married, ang hindi ko lang maintindihan, minsan na lang syang magpapakasal, bakit hindi pa sa mahal nya?"


"Baka gusto nyang magpakasal ng maraming beses?"


"Alysa! This is a serious matter. She even gave me her ideal man. Naaalala mo ba ang perspective nya sa buhay noong sila pa ni Jaspher? Wala syang pakialam kahit sino at ano pa si Jaspher, because she know how much he loves her that time. Seeing and hearing her now, those things were gone. Hindi fantasy ang buhay ng anak natin."


"Ewan ko ba sa anak mong yan. Sa lahat ng pwedeng manahin sayo, bakit yung katigasan pa ng ulo mo." Umaabuso na talaga 'tong asawa ko. -_____-

"Halikan kaya kita dyan?"

"Good idea. Baka gusto mong sundan na rin si Xandy?"

"Shut up. Kung anu-ano pinagsasasabi mo eh." Nag-iinit mukha ko sa sinasabi nya. =_____=


"Seriously, ipakasal mo sa kanya si kaligayahan nya. Alam ko naman na alam mo kung ano ang tinutukoy ko. We will be the bridge of their happiness."

Operation: A Wedding For AlexandreaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!