(Words of Pessimism)

Nathan Salem’s POV

“Jet, sige na…drop it already”, mahinang sigaw ni Venus kay Jet.

“Hehehe..Okay okay”, tas ayun hinulog na nga ni Jet yung piso tas may lumabas na naman ng mga ticket.

Ayun, ang saya saya nga naman nilang maglaro.

“HAHAY!”, nagulat naman ako nang may nagbuntong-hininga sa gilid ko.

“Holy Jesus! Nakakagulat ka Glyde….”

“Ay sorry. Di ko napansin na masyado ka nga palang preoccupied sa panunuod sa kanla”

“O ano naman problema mo? Parang nanglalamya ka naman diyan”, tanong ko sa kanya.

“Eh kase natalo ako nung bata >.<”, mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Tumawa lang ako ng kunti.

“Nate….”,pagtawag niyang bigla sa akin.

“Ha?”

“Are you a masochist? o_O”

“No, why?”

“Don’t you get hurt while looking at them?”

“Ha? Them who?”, pinagsasabi nito? =_=!

“Them”, sabay nginuso niya sila Jet at Venus.

“Are you kidding me? Why would I get hurt by just watching them play?”

“Tch. You’re trying to hide it but the more you hide it, the more possibility of it to be found out”

Seriously? What’s this woman talking about?

“I don’t get you”

Umalis nalang ako kase naman kung saan  pa mapadpad ang pag-uusap namin. Dumiretso ako dun sa may basketball-lan. Naglaro nalang ako dun.

Maya-maya…

“Hey bro!” lumingon ako sa nagtatawag sa akin.

“Oh? Tapos na kayo?”, tanong ko naman sa kanla. Nakita ko na kase na hawak hawak ni venus yung tinuping nga tickets.

“Oo, 200 lang naubos namin, wala na kaseng mga piso na natira…”

“Ah, ganun pala…”

Ayun nagpatuloy lang ako sa paglalaro.

“Bro, may naalala ka ba dito?”, biglang tanong ni Jet sa likod ko.

“Ha? Wala naman. Ano bang meron dito”, oo, ano nga ba meron dito? May kailangan ba akong alalahanin? Yung mga wala kaseng kwenta na pangyayari na hindi naman importante at nagbigay ng sakit sa akin, kinakalimutan ko na yun.

Nagpatuloy lang ako sa pagso-shoot ng bola.

“Di ba dito mo pinapasyal si Hazel dati?”, pagkasabing pagkasabi nun ni Jet ay napaurong ako sa pagsoshoot ng bola.

“Ay…. Sorry bro… sorry…nakalimutan ko…..”, pagsosorry ni Jet sa akin.

“Pst Jet! Sino si Hazel?”, narinig ko ang mahinang pagtatanong ni Glydel kay Jet.

“W-wala yun…”, pagpapalusot ni Jet. Dati pang sinabi ko na sa kanya na ayaw kong pag-usapan si Hazel, nadala siguro siya sa pagkakasiya niya kanina kaya nakalimutan niya ang mga bagay-bagay.

“E nagsisinungaling ka eh. I can tell”, persistent na sabi ni Glydel.

Tumigil na ako sa paglalaro.

My Best-friend's GirlfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!