For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

{MMH} *Ch. 33 - Everything is Getting Complicated.

 

~JESSERENE’s POV~

 

“Ang lakas mo talagang kumain. Nauubos ang allowance ko sayo. Hahaha.” pang-asar na sabi sakin ni Ian habang naglalakad kami pabalik sa Accounting Firm nila Clenery. Kakatapos lang kasi namin kumain sa tabing restaurant at inaasar nya akong malakas daw kumain eh hindi naman. >.< Gutom lang talaga ako ngayon. Ang busy naman kasi namin masyado.

“Hindi naman kaya! Nasaktohan lang na gutom ako ngayon no! Saka isa pa, hindi ko naman sinabing ilibre mo ko. Psh.” sabi ko.

“Hahaha. To naman. Masyado kang highblood. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin sanay saken? Tsk. Tsk. Pano kaya kita sasanayin sa presensya ko?” Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya pero nakangiti lang naman sya sakin.

“Sanay na kaya ako sayo.” Sabi ko. Nito kasing mga nakakaraang linggo ay palaging sya ang kasama ko. Kung itatanong nyo naman si Gab, tumatawag pa rin naman sya pero minsan hindi ko na nasasagot lahat dahil sa sobrang busy namin sa Accounting Firm. Lagi nga kaming overtime eh. Saka ayoko naman na din istorbohin pa si Gab. Alam kong busy rin sya ngayon. Busy na samahan ang kapatid ko.

“Hindi siguro.” sabi ni Ian na nilagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa at tumingin sa harap namin habang naglalakad.

Ang totoo nyan nasasanay na ko na laging nandyan si Ian sa tabi ko. Alam kong hindi to dapat pero kaibigan ko lang naman sya. At isa pa napaisip din ako sa sinabi nya sakin noon nung aksidente kong maikwento ang sitwasyon namin ni Gab ngayon. Ewan ko nga eh kasi parang nainis sya pagkatapos kong ikwento yun.

*Flashback*

 

“Seryoso ka ba?” tanong nya matapos kong ikwento lahat ang tungkol samin ni Gab.

“Oo naman. Hindi ko naman to sasabihin sayo kung nagbibiro lang ako. Hindi yata magandang biro ang ganito.” sabi ko.

“Hindi talaga. Sabihin mo nga sakin, pano mo nagagawang mahalin ang ganung klase ng lalaki? Wag ka sanang masasaktan sa sasabihin ko ah. Pero sa tingin ko hindi ka naman pinapahalagahan ni Gab. Base sa kwento mo dahil sabi mo girlfriend ka nya pero nasa ibang babae ang atensyon nya.”

Napayuko ako sa sinabi ni Ian. Ewan ko ba pero tumagos sakin ang mga sinabi nya. Minsan ko na ding naisip ang sinabi nya pero binaliwala ko lang yun dahil alam kong kahit papaano ay mahalaga rin ako kay Gab. Hindi nga lang kasing halaga ni Clens pero naramdaman ko naman nung mga panahon na magkasama kami na pinapahalagahan nya rin ako.

“Hindi yun magagawa ni Gab, Ian. Alam kong mahalaga din ako sa kanya.” mahinang sabi ko kay Ian dahil pinipigilan ko ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo anomang oras ngayon.

“Ayoko sanang sabihin to pero mukhang kailangan mo ng gumising Jesserene.” napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

Nagpatuloy sya, “Hindi ko kilala si Gab personally pero sa ginagawa nyang to lumalabas lang na ginagamit ka nya.”

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Basahin ang storyang ito ng LIBRE!