My Wish For Her

221 8 7

“Reality bites.”

I can say that this saying represents one of the hardest lessons that are to be accepted in life. Kasi ang tao gusto laging masaya. Pero kung iisipin mo, imposibleng may taong nakakaranas ng tanging kasiyahan lamang sa buhay. Lahat ay may paghihirap.

Walang tao ang ‘di nakakaranas ng problema. Siguro noong bata pa tayo at wala pang kamuang-muang sa mundo, oo. Wala tayong mga problema nu’ng mga panahong iyon. But as soon as we grow up, unti-unti na nating naiintindihan kung ano ang totoo. Kung ano ang tama o ang mali. Kung ano talaga ang realidad.

Walang bagay o gawain na hindi mahirap. Sabi nga ng isang speaker sa orientation na pinuntahan ko, “You have to get out of your comfort zone.” Kailangan nating paghirapan ang mga bagay na gusto nating gawin para tayo ay maging matagumpay. Siguro ngayon ay hindi mo pa alam na ang pagiging tamad at walang pakialam ang siya pang hihila sa’yo pababa.

Ang buhay hindi laging masaya; kung magiging masaya ka man, panandalian lang ‘yon. Sabi nga ng best friend ko, “Ngayon ang saya-saya mo, pero kinabukasan ay hindi mo alam na may bagay pala na darating na ikakalungkot mo.” Ewan ko kung bakit sobrang mapagbiro ang buhay. Kung kailan ang sobrang saya mo na, saka naman kukunin ang nagpapasaya sa’yo.

---

December 24 na ngayon, at pumunta na naman ako sa pitong simbahan. Ewan ko sa lola ko, pero effective daw ito ayos sa kanya, upang mas pakinggan ng Panginoon ang aking mga hiling. Last stop ko na dito sa simbahan ng Pasig, my hometown.

Siyempre, natural na sa mga tao ang humingi sa panginoon ng mga kagustuhan nila. I could even hear their wishes that they think might actually come true.

“Sana po wala nang babae si Papa at mahalin niya ulit si Mama.”

“Hinihiling ko po na maging isang mabuting bata ang anak ko.”

“Tulungan Niyo po akong makapasa sa Ateneo de Manila.”

“Sana po yumaman kami.”

Pero hindi lahat ng mga iyon ay matutupad ng Panginoon, kahit Pasko pa man. Kahit alam Niyang gusto nating matupad ang ating mga kahilingin, hindi lahat ay mapagbibigyan Niya. May dahilan ang Panginoon sa lahat ng nangyayari sa buhay natin. Alam ko iyon, pero hindi ko alam kung bakit Niya hinayaang pagdaanan ko ang lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon.

Lumuhod ako malapit sa altar, naniniwalang mas maririnig niya ang hiling ko kung doon ako pumuwesto.

“Panginoon, alam kong nabibingi na Kayo sa mga hiling namin, pero sana ay pagbigyan mo na ko sa kaisa-isa kong hiling ngayon. Wala na akong ninanais pa kundi ang hindi na siya mahirapan. Hinihiling ko na sana ay mapatawad mo ako, lalong-lalo na sa aking desisyon mamaya pagsapit ng Pasko. Sana ay maintindihan Ninyo ako dahil ilang taon na ring nahihirapan ang pinakamamahal ko. Hindi ko ginusto na mangyari ito, at hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito nangyayari ngayon.

“Hindi ko man alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit nangyari ito sa mga buhay namin, pero sana ay may kabutihang maidudulot ito. Alam Niyo na rin naman po na mahal na mahal ko siya, at sa ngayon ay ito lang talaga ang tanging solusyon na aming naisipan para bigyang-wakas ang paghihirap niya. Sana po talaga ay mapatawad Ninyo ako at ang mga magulang ni Amanda.

“Kung noong nakaraang taon ang hiniling ko’y sana mas tumagal pa ang buhay niya dahil nakaranas na naman siya ng isang seizure, ngayon ay na-realize ko na napaka-selfish ng hiniling ko. Kaya gusto kong sana ay palayain Mo na siya sa paghihirap na nararanasan niya ngayon.

“Sana mapatawad Niyo po ako sa paraang naisipan ko para mapasaya ulit siya, tulad ng pagpapasaya ko sa kanya noong nagpunta kami sa perya.  Amen.”

Team Writer WannabesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!