Random Stuffs - 3

14 0 0

Samut-saring pangyayari sa isang Christmas party.

1. Gusto mo katabi lagi ang crush mo.

2. Kapag group picture gusto mo kasama mo eh yung magaganda/gwapo basta may itsura.

3. Kapag nag papicture laging naka peace sign yung isa, tapos nakadila naman yung isa, tapos naka wacky yung isa at hindi mawawala yung nakaakbay sayo.

4. Kapag sa exchange gift 100 pesos ang budget ang madalas mong makuha na regalo ay

Pencil Case na may laman na ballpen, pambura, ruler at lapis.

5. Handkerchief 

6. Wallclock na may price tag na 99.75 tapos may naka scotchtape na bentsingko sa likod para saktong P 100.00

7. Uso ang 3 for 100 na underwear, mga tatak na ENCH, UMA, DIDAS, ICKIES. Jocke, at samut saring mga underwear na nakalagay sa Box na gatas ng Nido, Bearbrand, depende kung anong brand ng ng regalo sayo.

8. Kapag babae naman, madalas na ang mga maliliit na stufftoy na nabibili sa Bear Cuddler o Blue Magic.

9. Pabango ng Aficionado.

10. Walang kamatayang Alarm Clock at Picture Frame.

11. Sagwa kapag makakatanggap ka ng payong na may pangkalawit. Dyahe pa dalhin sa tricycle, tapos maiiwan mo dahil nga makakalimutin ka.

12. Gusto mo rin maka partner ang crush mo sa games tulad ng 

Kagatan ng Mansanas - Ito yung nakasabit yung mansanas at kakagatin niyong dalawa.

Pasahan ng Piso/Baraha gamit ang bibig, ito yung matindi eh, gusto mo na lang lunukin yung piso para tuluyan ng mailapat sa labi niya.

Kapain mo ako - ito yung isa pang matindi, yung naka blindfold yung babae tapos nakatayo lang si lalake hahanapin yung piso kung saan nilagay ni loko-lokong lalake.

Stop Dance tiklop Newspaper Version - yung partner kayo tapos bawal lumagpas sa Dyaryo, kundi matatangal kayo. Ito yung simpleng pang chansing kapag kayo ang natira sa huli. Kasi sasakay sayo, papasan, bubuhatin mo ang babae dahil maliit na ang tatapakan na diyaryo.

Trip to Jerusalem - tamang trip lang, lalandiin mo habang umiikot ang crush mo. Tamang hawak sa balikat, mga galawan mo nga naman oh.

A/N:

Vote.Fan.Comment!

-BabyDeeeee

xx

Random StuffsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!