-23-

53.3K 1.9K 404


A week has passed already.

I'm trying my best to act normal. Sinusubukan kong maging si Cherinna bago ako nakaramdam ng ganito. Bago ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Jahann.

Pero hindi ko naman yata magagawang maging normal pa dahil sa nangyayari sa akin.

"Hey, are you okay?" iwinagayway ni Ian ang kamay sa harap ko. Nasa may garden kami ng school at kasalukuyang nagrereview para sa exam namin sa susunod na Linggo. Nagpaalam siya sa akin na bibili ng pagkain at hindi ko namalayan na nandito na pala siya.

Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Iris sa akin kanina. Ang sabi niya sa akin ay magdidinner sila ni Jahann. Wala namang nabanggit si Jahann sa akin na lalabas sila ni Iris?

And why the fuck he'll tell it to you, Cherinna Anderson? Kapatid ka lang naman ni Jahann.

"Oh, fuck."

"Are you okay, Sunshine? Parang kanina ka pa wala sa mood," tanong ni Ian sa akin. Hinawakan pa nito ang noo ko. "Are you sick?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umiling ako. "Uhm, nafrufrustrate lang ako sa numbers..." pagdadahilan ko na lamang.

"You have to eat first. Ganyan ka kapag gutom, eh..." natatawang sabi ni Ian bago inabot sa akin ang sandwich at pinagbuksan ako ng bottled water. Nagpasalamat nalang ako rito pero nakita ko si Jahann na nakatingin sa akin nang nag-angat ako ng tingin.

Walang reaksyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"What's wrong?" tanong ni Ian sa akin. Agad akong umiling. Mabilis na binuksan ko na lamang ang isang libro ko sa Fundamentals of Mathematics para magtanong sa kanya. Palihim kong sinulyapan ang kinatatayuan ni Jahann kanina pero wala na siyia roon.

What, he's mad that I'm with Ian?

May date kaya sila ni Iris. Tapos siya ang magagalit? Ayos din naman pala.

Napabuga na lang ako ng hangin at pinilit na magconcentrate sa pag-aaral.

Malapit na ang exams naming lahat kaya halos hindi na kami naglalalabas. Kung lalabas man kami ay sa SD na lamang kami nagpupunta, libre na ang pagkain, may wifi pa, gaya nga ng sabi ni Aly. Hindi rin nagpupunta sa Ai's ngayon sila Jahann, Aly at Iris dahil sa exam week. Isa iyon sa patakaran ng Ai's sa mga students na nagpapart-time sa Ai's.

Naglalakad kaming dalawa ni Ian para magpunta sa room namin para sa last subject namin nang makasalubong namin si Iris. Dala nito ang libro nito at malawak ang pagkakangiti.

Bakit ba kinakabahan ako sa ngiting ganyan ni Iris? Parang may nangyari na pabor na pabor dito. At hindi ko maiwasang mainis sa lahat ng ginagawa ni Iris, kahit na kung minsan ay wala naman itong ginagawa.

"Hi, Ian! Hi, Cherinna!" masiglang bati sa amin ni Iris.

"Hi. Ang saya mo ata?" tanong ni Ian dito. Mas lumawak naman ang pagkakangiti ni Iris. "Jahann actually asked me to go to SD later with you, guys..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "What? Kasama ka mamaya?" I thought that's only for us? Kami-kami lang? Bakit kailangan niyang iinvite si Iris? Bakit hindi man lang siya nagtanong muna sa amin kung gusto ba namin? Kunsabagay, ako lang naman yata ang tatanggi. Okay lang sa lahat iyon. Okay lang na sakanila na dikit ng dikit si Iris kay Jahann.

Nakakairita kaya iyon.

"May problema ba 'dun, Cherinna?" tanong sa akin ni Iris.

Agad akong umiling. "I just remember you told me you'll have dinner with him later..." malamig kong sabi rito. Tumango si Iris. "Yeah, after sa SD, magdidinner kaming dalawa..." tugon naman niya sa akin. Muli siyang ngumisi sa akin.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!