For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

"Things are never quite as scary when you've got a best friend."

--Bill Watterson 

So, kinabukasan agad nga nakakuha ng GF ang bestfreind ko at ngayon kailangan ko ng maghanap ng BF ko.

“Siya si Suzy. Sabi niya magiging mabait siya at kahit kalian hindi magseselos sayo.” Pakilala niya sa GF niya.

“Hello.” Binati naman ako ng GF niya.

Maganda ang girlfriend niya. Matangkad, maputi, makinis parang model. Senior namin siya actually. Third year na siya. Pero sabi nga nila age doesn't matter.

“Hi.” Bati ko naman.

“Pano niyan? Kailangan makahanap ka na ng BF mo.” Sabi ni Jion saken.

“Ahaha… oo…” mahinang sagot ko.

Siyempre hindi ko naman nakakalimutan yun!

Mabait si Suzy saken. Hindi nga ako makapaniwala na merong babaeng katulad niya eh. Sa tingin ko mahal talaga niya si Jion.

“Yuna, anong gusto mong inumin?” tanong niya saken.

“Ah- ako nalang ang bibili ng inumin naten.” Sabi ko naman.

“Hindi ako nalang.”

“”Ha? Bat nag-aagawan kayo bumili ng inumin?” tanong ni Jion.

“Tayo nalang dalawa.” Suggest niya.

“Ah o sige.” Nag-agree na ako.

“Ha? Iiwanan niyo ko?” tanong ni Jion.

“Eh wala kasing magbabantay ng upuan eh.” Sagot ni suzy.

“O sige, bilisan niyo.”

Maganda naman ang pagsasama naming tatlo. Mabait talaga siya. Hindi siya nagseselos kahit minsan halos kaming dalawa nalang ni Jion ang naguusap pag iba ang topic.

Pero parang ang pangit rin. Hindi rin  ganon kasaya na tatlo kami. Hindi dahil sa nagseselos ako o ano pero kasi alam mo yung feeling na parang panggulo ka lang? Gusto ni Jion na parati akong kasama sa date nila sa labas. Pag nasa school, pag pupunta ng canteen sa recess or lunch atsaka paguuwi. Feeling ko nakakagulo ako. Feeling ko ako ang hadlang para maging masaya sila.

Saturday sa cinema.

“Hindi ka makakapunta? Dumating ang tita mo? Okay sige.” Binaba ni Jion ang cellphone.

 “Hindi raw siya makakapunta?” tanong ni Suzy.

“Oo daw eh. Tara na.” yaya ni Jion.

“Sayang Yuna hindi ka nakasama ang ganda ng pinanood namin.” Kwento ni Suzy habang papunta kaming cr.

“Ito pala binili ko para sayo.” Inabot niya saken ang isang keychain.

“Ah thank you. Nagabala ka pa.” kinuha ko naman.

“Ok lang. Nakita ko kasi na sobrang okay lang kayo na kayo lang dalawa hanggang sa dumating ako, feeling ko tuloy panggulo ako at malamang ayaw mo saken hehe”

“H-hindi no! Gusto kita! Ang ibig kong sabihin para kay Jion.”

“Ahaha salamat. Pero alam mo, mahal ko talaga si Jion. Alam ko kasi na napaka importanteng kaibigan ka para sa kanya. Na halos kapatid ang turing niya sayo kaya gusto kong maging magkaibigan tayo.” Nginitian niya ako.

Overly Attached Best FriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!