-22-

52.3K 1.9K 654

NAIWAN ako sa loob ng kwarto ko nang lumabas na si Jahann. I was still surprised... about the gift, about what he said. About what happened.

Hindi iisang beses pumasok sa isip ko ang posibilidad na iyon ang nangyayari sa aming dalawa pero pilit kong isinisiksik sa isip ko na hindi pwede ang bagay na iyon... na mali. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Masaya ako sa sinabi ni Jahann na sa akin siya. Sa akin lang siya.

It's like, he gave me all the right to own him. He has given me the right to be selfish when it comes to him. And to be honest, iyon ang gusto ko. Ang ipagdamot si Jahann. Ang ipagdamot siya sa kahit na sino pa.

Napaupo na lamang ako sa kama ko at napayuko sa kamay ko na sinuotan niya ng singsing kani-kanina lamang. It was the ring he posted before... it was the ring that I thought he'd give to Iris. It was the ring that I secretly hoped that'd be mine.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin pa rin sa singsing na nasa daliri ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang init ng kamay ni Jahann na kanina lamang ay humawak sa mga kamay ko.

Damn, until now, I can still feel the softness of his lips on the back of my hand.

What are we going to do, Jahann? Anong gagawin nating dalawa sa nangyayari? This is not normal... and this is not right.

Walang tumatakbo sa isip ko maliban sa sinabi ni Jahann. Nabablangko ang isip ko. Hindi ako makapag-isip ng matino.

Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko para tumayo na at puntahan ang mga kasama namin na naroon. Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan.

Napalingon ako sa gawi ng pintuan nang may tumikhim. "Kol..." I acknowledged him. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakasandal sa may pinto at nakapamulsa. Nakatingin lang din ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

Napangiti naman ng tipid si Kol sa akin. "Look at you, while Aly's laughing her heart out, para kang nabagsakan ng langit at lupa diyan..." lumapit ito at umupo sa tabi ko. "You talked to him already?" tanong niya sa akin. Tumango ako at muling bumuntong-hininga.

Ginulo ni Kol ang buhok ko. "You'll be fine," mahinang sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo ko. "Anong alam mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang si Kol sa akin bago tumayo. "Let's go," inilahad nito ang kamay sa harap ko. Nakakunot pa rin ang noo ko sa kanya at masama ang tingin. "Ano munang alam mo?" muling sabi ko rito at hindi pinansin ang kamay niyang nasa harap ko.

"Whatever it is, you'll know it soon. Now let's go? Ayokong kausap ang mga 'yon, napakaingay..." ipinilig niya ang ulo at muling iginalaw ang kamay na nakalahad sa harap ko. Iiling-iling na inabot ko naman iyon at tumayo na. Hinawakan niya ako sa siko habang naglakakad kami papunta sa AVR ng bahay ni Lola. Nasa labas pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Aly dahil na rin nakabukas pa ang pinto roon.

Pagpasok namin ni Kol ay nakita ko ng naghahanap si Theon at si Keij ng mapapanuod. Si Ate Caryl naman ay nakaupo katabi si Lean habang kausap si Aly.

Where's Iris?

And where is Jahann?

"Si Jahann?" nilingon ko si Kol. Nagkibit-balikat naman siya sa akin. Kasama kaya niya si Iris?

"Sandali pala, balikan ko lang si Iris sa room ko..." tumayo si Aly at nagpaalam sa amin. Dumiretso naman ako ng upo sa sofa na naroon at tumabi si Kol sa akin.

"Where's Enzo?" tanong ni Kol kina Theon at Keij na kasalukuyang nagtatalo na kung ano ang papanuorin namin na movie.

"Kasama ni Kuya Kiro. Magluluto daw ng popcorn and fries," si Lean ang sumagot dito.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!