Chapter 38: First Revelation

1.2K 25 0

A/N: First pa lang to. Marami pang revelations ang magaganap.Basta isa lang ang masasabi ko...

"Expect the unexpected"

IMPORTANT NOTE PO SA BABA. PLEASE READ :) Enjoy!

Kailley's Pov

Nandito kami sa bahay ni Nathan. Bigla na lang kasi niya akong hinatak pagkaalis ni Kyle.

"Wife, nakita mo ba ang taong nagbigay nito" Kalmadong sabi niya peri nababakasan pa rin ng galit at pag-aalala.

"Hindi, nung hinahabol ko si Kyle ay may nakabunggo saking babae at hihingi sana ako ng sorry ng umalis siya. Basta nakahood lang siya tapos may red dragon sign na nasa circle ang nakatatak sa likod ng hoodie niya" mahabang sabi ko. Tumingin naman ako sa kanya at tila may iniisip kung ano.

"Red dragon sign na nasa circle" sabi niya habang may iniisip.

"Bakit?" Tanong ko dahil biglang kumunot ang noo niya. Ano ba ang nasa isip niya ngayon?

"Stay here wife wag mo munang isipin ang nangyari kanina. Let your mind and your body rest" sabi niya at hinalikan ako sa noo at kinumutan ng kumot. Actually nasa kwarto niya kami eh.

Aalis na dapat siya ng pigilan ko siya.

"Wait Nathan! San ka ba pupunta? Baka ikaw naman ang puntiryahin ng mga yon" alalang tanong ko. Hay ewan parang may mangyayaring di maganda.

"I will figure out something wife kaya magpahinga ka muna dito" nakangiting tanong nito. Tss wag mo nga akong ngitian, di kita kayang tiisin sa kakangiti mo eh. Yan sana ang gusto kong sabihin pero syempre nakakahiya.

"Ano naman yun? Wag ka na kayang umalis?" Ngumisi ito. For sure may iniisip na naman tong kakaiba.

"Gusto mo ba akong masolo wife? Sige dito na lang ako gawa tayo ng baby natin" atomatikong piningot ko ang tenga niya. Sabi ko na nga ba eh kamanyakan na naman ang nasa isip nitong lalaking to.

Nagpapamanyak ka naman sabi ni brain. Tss shut up ka na lang brain di ikaw ang bida. Ako! Ako kaya!

"Ouch! Kailley let go of my ear" galit na sabi nito kaya binitawan ko.

"Sorry ang pervert mo kasi" nakayukong sabi ko. Nasigawan na naman niya ako. Hay ikaw talaga Kailley kasalanan mo to eh

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!