44: ART OF DEATH

Magsimula sa umpisa
                                    

Someone's POV:

Habang tinitingnan ko sila Hindi ko mapigilang magpunyagi na halos lahat ng mga plinaplano ko ay natutupad na. Hindi nila alam na nahuhulog na silang lahat sa bitag na aking inihanda para lamang sa mga katulad nila.




Kunti na lamang at matatapos na ang lahat. At Hindi nila alam na ako pa mismo ang magtatakda kung paano matatapos ang lahat. Napatigil ako sa aking iniisip at napabaling sa isang tao. Ang aking susunod na biktima. Walang iba kundi si darren.




Darren's POV:

Patayan na naman nakakasawa na laging mapadawit sa kanila. Lalo na sa section na dating hinahangaan ngayon inaayawan na. Nakakapagod walang katapusan. Kung Hindi lamang dahil sa nangyari Kay kana paniguradong walang magaganap na kaguluhan.




Pagkatapos kung makita ang nangyari Kay may ay agad na akong umalis doon. Hindi ko matagalan makita ang kahindik-hindik na nangyari kay May. At agad muna akong nagtungo sa art club upang alisin ang mga iniisip. At para maalis ang lahat ng Hindi ka saya-sayang pangyayari.




Isa sa aking libangan ang pagpipinta lalo nat kung masyado akong maraming iniisip. Madalas ito ang hobby ko para mawala ang stress na aking napagdadaanan ngayon.




Laking pasalamat ko at walang katao-tao alam ko namang lahat ng tao ay iniiwasan kaming mga taga section-ace dahil sa sumpa kuno daw kami. -_-. Sinumulan ko na ang magpinta kinuha ko yung paint brush at ipininta na yung object na nasa harapan.




Dahan-dahan kung pinipinta yung object hanggang sa malapit na ako sa kalagitnaan at tinitingnan ko muli ang object na nasa aking harapan.




"Boo!!!"



"Waahh!!!"= halos mapalaglag ako ng sumanggulat ang mukha niya na nakangiti sa aking harapan.



"Nakakatawa ka naman darren parang hihimatayin ka diyan. Haha"= patuloy lamang ito sa paghalakhak. Na ikinainis ko naman.




"Siraulo ka kei. Baliw ka talaga. Kabute ka ba pasulpot sulpot ka na lang kung saan-saan."= I said na ipinagpatuloy na yung pagpinta.



Hindi ko na ito pinansin tila naasar ako sa tinuran nito. Si kei kaibigan ko siya pati ni kana. Kaso nung namatay si kana minsan na lamang siya magpakita or kumausap sakin.



"Darren miss mo na ba si kana?"= napatigil ako sa sinabi nito at tiningnan ko siya na inuugoy yung paa niya. Habang nakaupo.




"Ou naman. Miss ko na si kana. Sino ba naman Hindi ma kakamiss sa mabuting tao na katulad ni kana. Alam kong namimiss mo rin siya."= I said habang patuloy ang pagpinta.




"Miss mo na siya means gusto mo na siya makita.?"= ngiti nitong sabi sabay tingin sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin dito. Yung ngiti niya para bang ngiti ng isang hindi kaibigan or kakilala. Yung ngiti niya tila demonyo kung icocompare.





Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon