New Friends

745 25 1
                                    

I always thought that Sky and I will get closer but I was wrong. I don't wanna freak out. I don't want to assume yet. I feel like there was a big wall between us pero wala naman kaming pinag-awayan. Basta nangyari nalang.

Naging close siya sa iba tapos ako naman naging close kina ate Mayer. Pero akala ko talaga... Nagustuhan ko pa man din siya kasi akala ko magkakasundo kami sa maraming bagay.

O baka naman napapraning lang ako. Nag-o-overthink lang siguro ako. Baka akala ko lang yun. Haaays. Bahala na uyy!! Kontento nadin ako kina ate Mayer. Mamamatay ako sa kakatawa sa kanila.

"Kisses, what are you thinking?"

I jumped off my feet when I heard Marco's voice behind me.

"MARCO!!"

Marco laughed and so is Edward. Grabe bai!! Parang humiwalay ang puso ko sa akin at tumalsik ang kululuwa ng ilang segundo.

"Sorry. Tulala ka kasi eh."

"Tseeee!!" inirapan ko nga. Kainis eh. Nagmomoment ako dito tas bigla nalang susulpot out of nowhere.

"Sorry na nga.." umupo siya sa tabi ko at si Edward sa tabi ni Marco habang nakatingin sa akin. Pigil-pigil parin ang tawa.

Abaaaa!! Talaga tong mga 'to. Tss. Ako na naman napagtripan nila porke magugulatin ako eh. Kaasar naman.

"Here.. I made you a toasted bread."

I eyed him suspiciously.

"What's that? A peace offering?" tanong ko kay Marco

"Uh-huh..You could say that----now, say "ah"."

Sinubuan niya ako ng tinapay tas ginawan din niya ako ng gatas. Maalaga talaga si Marco sa aming lahat. Pantay-pantay tingin niya sa amin kahit mas close siya kina Edward and Sky.

And speaking of Edward, I saw him stood up and went inside our camp house. Kita mo ang isang yun, ni hindi man lang nagpaalam na papasok na siya sa loob.

Pero ang gwapo niya talaga mga bes. Siya agad una kong napansin nung time na sinundo na ako para dalhin dito sa camp. Tahimik at well...Di ko na alm yung iba since we're not that closed. Masyado silang busy ni Sky sa isa't-isa.

And I thought Sky likes Marco pero mukhang si Edward pala ang like niya. Sabagay, sino ba naman ang di mafa-fall kay Edwardo? Gwapo na mabait pa....sa kanila.

Ayy, grabe!! Ngayon ko lang na-realize na parang kami nalang ni Edwardo ang di nag-uusap ng matino----I mean ang hindi close. Why is that?

Kasi crush mo siya..

Hala!! Di nga kaya dahil nagkaka-crush ako kay...Edward?

"Oh, my gosh!!" I suddenly excalimed in realization

"Oh? Are you okay? Napa-Oh my gosh ka pa dyan?" nagtatakang tanong ni Marco bago niya ako inabutan ulit ng tinapay.

"Wala. Tara, pasok na tayo sa loob." sabi ko bago ininom ang gatas na ginawa ni Marco.

Napaka thoughtful talaga ng lalaking 'to. Sky is so lucky that Marco likes her more than a friend. Pero siyempre we're still young pa naman din so dapat enjoy-enjoy lang muna.

"Kisses." Marco called out my name.

"Oh?" sabi ko naman

"O, kainin mo 'tong bread---Hindi susubuan na kita."

Kinain ko nga. Lagi akong busog kapag si Marco naghahanda ng pagkain.

"Salamat." sabi ko kahit puno pa bibig ko ng tinapay.

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon