Chapter 45: Vampire Tribe

Third Person’s POV 

“P-Parang awa niyo na po! A-Ayaw ko pang mamatay!” pero hindi siya pinakinggan ng babaeng bampira. Kinagat niya ang lalake sa leeg at inubos ang dugo nito. Matapos ng kanyang hapunan ay pinunasan niya ang dugong tumulo mula sa labi niya gamit ang likod ng palad niya...

“Worthless humans. They all deserve to be my meal everyday” malamig na sabi nito habang nakatingin sa lalakeng kulu-kulubot na ang balat dahil sa kawalan ng dugo…

Naglakad siya papunta sa may ilalim ng puno. Nandito siya sa parke at pinagmasdan niya ang bilog na buwan…

“Andito ka lang pala Kisha” napalingon naman siya at nakita si Ivan na nakatayo hindi kalayuan sa kanya “Done on your meal?”

“Tss. What do you want? I don’t need a dog, Ivan. I can handle myself” mapang-uyam na sabi nito. Napailing naman si Ivan at lumapit sa kanya...

“I know. Masyado akong gwapo para maging aso mo at isa pa, kaya nga kita ginawang malakas ay para maprotektahan mo ang sarili mo”

“Then why are you here?” natatamaan ng liwanag ng buwan ang suot na pulang damit ni Kisha pati na din ang blonde niyang buhok. Mukha siyang Dyosa sa ilalim ng buwan isama pa ang maputi niyang balat at mapupula niyang mga mata...

“I just want to ask if you’re prepared for the attack we will do tomorrow” sumandal si Ivan sa puno at sinindihan ang kanyang sigarilyo... “You will see him again. What would you feel?” inintay ni Ivan ang magiging sagot ni Kisha pero iba ang nakuha niyang sagot dito...

“I missed him” 

“WHAT?!” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Ivan. Baka hindi gaanong successful ang experiment. Baka may parte pa rin si Van sa puso ni Kisha. Hindi niya alam Pero kinakabahan siya sa magiging sagot sa mga katanungan sa isip niya. Napakaraming gabing hindi natutulog, mga paghihirap at sakripisyo niya para lang maisagawa ang eksperimento at ganito lang ang makukuha niya sa huli?

Pero biglang umihip ang hangin at nasa harapan na niya ang dalaga...

“Kidding” nakangising sabi nito... “I don’t feel anything except hatred and urge to kill him. In fact, I can’t wait to see his reaction when he sees me”

Nakahinga naman ng maluwag si Ivan. Napamura na lang siya sa isipan dahil sa ginawa ng dalaga. Akala niya talaga ay hindi siya nagtagumpay. Napangisi na lang din siya kalaunan...

“Hinahanap ka na nga pala ng Supreme Commander” Bumunot siya ng pangalawa niyang sigarilyo. Iyon nga pala ang ipinunta niya dito. Gustong kausapin ng Supreme Commander si Kisha tungkol sa pag-inom nito ng dugo ng mga tao. Napapadalas na kasi ang pagpatay ni Kisha sa mga inosenteng tao at lumalaganap na naman ang takot sa mga tao. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila alam na may mga nilalang na kagaya ng bampira na nabubuhay sa mundo...

“Bakit naman?” kinuha ni Kisha ang sigarilyo sa kamay ni Ivan at siya ang nagsindi nito. Sumandal muli si Kisha sa puno at ibinuga ang usok mula sa kanyang bibig...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!