Miracle

5 0 0
                                        

"Gising na Van. Hinihintay ka na namin ni Baby H-hope." pumatak ang isang luha ko. Dali dali ko itong pinunasan at pinalitan ito ng ngiti. Ayaw ni Van na makita akong umiiyak eh.

Hinahaplos ko ang buhok niya habang hinihele si Baby Hope. Nagising kasi siya at iyak siya ng iyak.

"Ssh na Baby Hope. Daddy will be fine. Look at this monitor oh," at tinuro ko pa yung monitor sa gilid ng kama ni Van, "your Daddy is still fighting for us."

Hope looked at me. Nakaka-amaze talaga ang mga mata ng baby ko. I kissed her forehead at hinele ulit siya.

"Ikaw nalang ang kulang Van."

Nilagay ko si Hope sa tabi ni Van. Sinigurado kong hindi 'to mahuhulog at komportable siya pagkatapos ay tumayo ako at tinungo ang sofa.

I sat down at tinignan ang kalendaryo.

September 16, 2008.

1..2.. no. 3 years na siyang comatose!

Napahilamos ako sa mukha ko.

Bakit ang tagal?!

Naiinis na ako! Inis na inis na ako!

Tumayo ako at pumunta sa kama ni Van. Pinagmasdan ko ang mga nakaturok sa kaniya, ang monitor na nagsasabing buhay pa siya.

Uminit nanaman ang ulo ko.

"DAMN IT VAN! WAKE UP!"

Yinugyog ko siya nang malakas. I don't care if matanggal ang mga nakaturok sa kani- wait, I think that's better para magising siya!

I want my Van back!

"AAAAAH! VAN!"

"Uwaaah!"

Sa sobrang galit ko, kinuha ko si Hope at tinapon sa sahig.

"YOU STUPID DOLL! SHUT THE FUCK UP!"

Nilingon ko ulit si Van.

"DIBA SABI MO BABALIKAN MO PA AKO?! BABALIK KA PA! WAKE UP, VAN! Wake u-up..."

Napaluhod ako. Miss ko na ang asawa ko, miss ko na ang totoo kong baby.

"B-babalikan mo pa ako, Van. N-nangako ka diba?"

"Xyla naman! Binalaan ka na ni Doc na turukan si Miracle every 8pm!"

"Lagot nanaman ako nito!"

Nilingon ko ang pintuan. Andito nanaman sila! Sasaktan nanaman nila ako!

Bumukas ang pinto at lumabas si Nurse Kyla at Nurse Xyla. I glared at them but they returned it with a smile.

I hate them!

"Oh? Ba't mo tinapon si Baby Hope, Miracle?" pinulot niya ang manika at binigay sakin pero tinapon ko lang yun.

"DO YOU REALLY THINK I AM THAT STUPID TO BELIEVE YOU?!" napaatras sila. Nakita ko ang pag-signal ni Nurse Kyla kay Nurse Xyla.

"The injection."  Nurse Kyla mouthed to Nurse Xyla. My eyes widdened at tumakbo ako kay Van.

Yinakap ko si Van and tuluyan nang humagulgol.

"I j-just want my husband and baby b-back. Please."

Dahan-dahang lumapit sakin si Nurse Kyla at ng makalapit na siya sakin, she hugged me at nilayo ang unan na niyayakap ko.

"NOOO! VAN! VAAAN!"

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagturok sakin ni Nurse Kyla. She looked at me with pity in her eyes. Inihiga niya ako sa kama at inayos ang higa ko.

Napatingin ako sa ceiling. I can feel my tears and my body weakening.

"Kawawa talaga siya noh? Namatayan na nga ng asawa, nakunan pa ng baby. May pag-asa pa kaya siya?"

"Wala na daw eh. 2016 na kaya ngayon. 2005 pa siyang ganiyan."

I closed my eyes and all of our memories flashed.

Alam kong gigising siya. Nangako siyang babalik siya.

"Don't worry, love. I'll be back. I promise."

Wake UpWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu