-21-

57.8K 2.2K 1K


HAWAK ng kanang kamay ni Jahann ang kamay ko na nakakawit sa kaliwang bisig niya habang naglalakad kaming dalawa pababa sa bakuran ng bahay ni Lola kung saan naroon ang mga bisita. Hinihintay naman kami nila Theon at Aly para sabay-sabay kaming tutungo roon.

"Relax, hawak kita. I won't let you trip," mahinang utas ni Jahann. Nilingon ko siya at nakita kong may munting ngiti na naglalaro sa mga labi niya.

"Easy for you to say," sagot ko naman.

Pinisil niya ang kamay ko at nagbaba ng tingin sa akin. "Just tell me if you want to run away. I'm very much willing to go with you," seryosong sabi nito. Napatitig ako sa mukha niya.

I missed being with him.

Ngumiti siya sa akin at tila bumara na sa lalamunan ko ang puso ko.

"You're still creepy, Creep..."

"Guys, let's go na!" boses ni Aly ang nagpaiwas ng tingin ko mula kay Jahann.

"Alright," sabi naman ni Jahann bago inakay na ako papalapit kina Aly. Ngumiti si Aly sa akin bago naglakad papalabas ng bahay.

Malakas ang tibok ng puso ko, pero katulad noong debut namin noong nakaraang taon, hindi ako natatakot. Maybe because of the man beside me. Noong debut namin ni Aly, akala ko ay mahihimatay ako sa kaba dahil hindi pa man nagsisimula ay napakarami na agad na nagkikislapang flash ng camera ang nakikita ko. My mom said I should get used to it but I just can't. Noong pinilit akong magmodel ay si Jahann pa ang naging photographer ko. Kahit pa hindi pa siya pinapayagan ni Tito Dale na gawin iyon at nag-aassisst pa lang talaga siya, wala itong nagawa dahil hindi ko talaga magawa ang gusto nila kung hindi si Jahann ang nasa likod ng camera.

Paglabas namin ay sinalubong naman kaagad kami ng mga nagkikislapang camera. Biglang gusto kong itanong kay Aly kung paano naging simple ang pagdiriwang na iyon tulad ng sinabi niya sa akin na sinimplehan niya lang ang party na iyon.

Hindi talaga ako dapat makampante kapag pinababayaan ko mag-isa si Aly. Humigpit ang hawak ko kay Jahann pero muli kong naramdaman ang pagpisil niya sa kamay ko na tila sinasabihan ako na kasama ko siya, hindi ako dapat kabahan.

Malaki ang pagkakangiti ni Aly habang nakakapit sa bisig ni Theon. Nilapitan naman kaagad kami nila Mommy at Daddy at hinalikan kami sa pisngi.

"Look at them, Love. Mana sa akin talaga," nakangiting sabi ni Mommy na katabi si Daddy. Hawak naman ni Daddy si Mommy sa bewang nito.

"Alright, I won't argue with you on that one, Ai..." sabi naman ni Daddy dito. "Come on, your Lola's waiting, too," sabi nito sa amin. Sumunod naman kaagad kami sa kanila. Dumiretso naman kami sa upuan na inassign sa amin. Katabi ko pa rin si Jahann at katabi naman ni Aly si Theon. Nasa iisang table naman sila Keij, Kol, Lean, Ate Caryl at Kuya Kiro. Kasama rin nila sa lamesa nila si Iris at si Kevyn.

Jahann was playing with my hand. He was squeezing it and massaging it. Tinignan ko siya pero nakatingin siya sa emcee na hindi naman malinaw sa akin ang mga pinagsasasabi. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan ni Jahann ang hawak doon. Kumunot din siya ng bahagya nang ginawa ko iyon.

"What are you doing?" mahinang tanong ko sa kanya.

"What do you think I am doing?" balik na tanong niya sa akin at saka lumingon.

"Jahann..."

"Shh... listen to the emcee," saway niya sa akin bago ngumiti. Napasimangot naman ako at ibinaling ang atensyon ko sa nagsasalita sa harap.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!