4TH ROSE || Billionaire's Watch

30.9K 923 94
                                    

4TH ROSE || Billionaire's Watch

4TH ROSE || Billionaire's Watch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -


"MICHELLEEEEE!!!" isang nakakabinging sigaw ang gumising sa akin. Ngunit bukod sa gulat ay sakit pa sa katawan ang inabot ko dahil sa pagkahulog ko sa higaan.

"Agay," napapikit na lamang ako sa sakit habang hinihimas-himas ko ang pwet ko. Napatingin agad ako kay tiya na ngayon ay nasa may pintuan ng aking kwarto. ['Agay' in bisaya means 'Aray']

"Ngano man ning singgit ka, tiya? Naa'y sunog?" tanong ko agad sa kanya habang pakurap-kurap pa ako sa mga mata ko. Inaantok pa talaga ako eh. Makasigaw kasi parang may sunog eh! Sarap na ng tulog ko eh.

"Kalurkey kang junakis ka tinanghali ka na ng gising! Ayan kasi nanood pa ng TV kagabi shogal kang na-borlog. Kita mo na-intones na ang beauty rest mo dahil kinulang-kulang kaya ayan jonggoloids ka na!" napanguso nalang ako sa sinabi ni tiya. Eh ang ganda kasi nung pinapanood namin ni ate Joy (isa sa mga staff ng restaurant ni Mama Rona at maliban kay Michelle, s'ya lang ang babae sa staff nila) na Koreanovela sa gabi 'yung Descendants of the Sun. Ang gwapo kasi ni Big Boss eh. Tsaka, hindi naman ako bobo ah? Ano namang konek ng beauty rest sa katalinuhan? Jusmiyo.

Tumayo na lamang ako habang kinakamot-kamot ko ang gulung-gulo kong buhok. Bago pa man ako makapag-hikab ay agad na akong tinulak ni tiya sa banyo. "Gorabels ka nang maligo junakis dahil maju-Julie Andrews ka na sa klase mo! Gora!"

Nakakainis naman 'to si tiya. Kung alam lang n'ya na tinatamad akong pumasok ngayon dahil sa mga rich kids na 'yun na walang ibang ginawa kundi ang ipagmayabang ang kanilang yaman, pera, net worth, kumpanya, mga luxurious items na nabili nila at kung anu-ano pa. Kung alam mo lang tiya.

Hay. As if naman may choice ako.

"OPO KAYA LUMABAS NA PO KAYO!"

"Zsa Zsa Padilla, bilisan mo d'yan ah? Bumaba ka na agad para lumafang," sabi n'ya at sumagot nalang ako ng oo. May naiintindihan ba kayo sa sinabi n'ya? Ako? Wala rin eh. Sanayin n'yo nalang mga sarili n'yo kasi ako sanay na.

Narinig ko agad ang papahinang yabag palabas ng kwarto ko, senyales na lumabas na si Mama Rona sa kwarto ko. Bumuntong-hininga na lamang ako at naligo.



*・゚゚・*:.。..。.:*゚:*:✼✿  ✿✼:*゚:.。..。.:*・゚゚・*



"Jusko late na talaga akoooo!!!" impit akong napatili habang nag-aabang ng tricycle. Eh pa'no ba naman ako hindi mahuhuli eh sa halip na mabilisang ligo ang ginawa ko para hindi ma-late ay inayos pa ni tiya ang buhok ko tas minakeupan n'ya pa ako ng natural makeup kuno. Naging kulot magi tuloy 'tong buhok ko. Dahil nakaramdam na ako ng init ay i-si-ningle braid ko nalang ang buhok ko. Useless rin ang ginawa n'yang makeup dahil tagaktak na ng pawis ang mukha ko at pinunasan ko na ito ng panyo. Mabuti na lamang ay may huminto agad na tricycle sa harap ko kaya nakarating agad ako sa Empire Academy.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon