Kabanata 40

170K 2.5K 194


Dedicated kay @mukzienaf , thank you sa mga comments mo! :)


FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

msmarian-Drake's really different. I mean in the other fictional characters and also in real life. Nakapa-ironic niya, yung iba kasi gugustuhin na makipag-ano (alam na) sa girlfriend nila tapos pag may nabuo iiwanan nila. Pero siya, ginusto niya ngang may mabuo at papanindigan pa niya. Bihira na yung ganyan. Nakaka-inlove si Drake, yung in every way. Napaka-sweet, caring, yung bang mga traits na magugustuhan talaga ng mga babae. Napakaswerte ni Kei Marie (na sana ako nalang siya. Hahaha) dahil may Drake Cortezano siya na kahit kaming mga readers ay naghahangad din ng isang katulad ni Drake Cortezano (which I find it very impossible. Haha) edpalec-  Ang saya saya ko pag nababasa ko to lagi akong napapakilig at hindi sumasablay sa pagpapadama ng emotion nung bawat character na nakakapagpadala sa readers. mitche22- waahhh...wala lang kinikilig lang...hihi...kakahiya 4 a 28 yrs.old like me with 5 kids na kiligin ng ganto...buti nalang andito lng aq sa hauz...hehehe..walang pasok kea basa mode... annttpmntn- Hindi talaga ako maka-get over sa nagmumurang dimples ni Drake. Haha. Lagi kasing binabanggit ni Marie eh. :D Kinikilig ako sa pwesto nila. Lol. Nakaupo sila tapos nakayap si Drake sa likod ni Marie. Edi sila na talaga ang sweet. Hihihi. :"> Ang saya lang kasi parang everything is perfect.lastglimpseofhera- Go! GO LANG KAYO NG GO SA KA SWEETAN!!! haha. ano bah??? pinaglihi ba kayong dalawa asukal??? haha. DRAKE!!! akin ka na lang! sana ibalot ka ni Santa at ibigay sa akin ngayong pasko, bongga! haha DeniseeeeXx-Ako nalang kaya ang buntisin mo, Drake? Haha. Like seriously, sinong hindi magmamahal sakanya? Ay nako Kei Marie. Pagnagkalabuan kayo ni Drake, di ako magdadalawang isip na agawin siya sayo.



Kabanata 40


Tumingala ako para matitigan ko siyang mabuti. Nakita ko ang pagkinang ng mata niya, "Magpakasal na tayo." Ulit niya, ang lakas ng kabog ng puso ko, para bang hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Isang lalaki ang nagyayaya ng kasal saakin?

"Drake.." Tawag ko sa pangalan niya, pumikit siya at pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "Kagaya ng sinabi ko sayo noon, nakikita ko ang sarili ko na kasama kang tumanda." Bulong niya, napapikit rin ako dahil sa pagbuga ng mainit niyang hininga sa mukha ko. Humawak ako sa dibdib niya at naramdaman ko ang malakas na pagkabog non.


"Kei Marie, pakasalan mo ako.." Punong puno ng pakiusap ang boses niya, mas lalong humigpit ang yakap niya saakin mula sa likod. Iminulat ko ang mata ko at halos magwala ang puso ko nang magtagpo ang mata naming dalawa, ngumiti siya saakin at hinalikan ang tungki ng ilong ko.


"Papakasalan kita Drake.." Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita, para siyang nanigas sa kinauupuan naming dalawa, napatigil din siya sa paghalik sa tungki ng ilong ko na para bang hindi siya makapaniwala sa isinagot ko. "Pero, magtapos ka muna ng pag aaral." Natatawang sabi ko sakanya, marahan naman siyang humalakhak.

"Sweetheart, talagang pinupursige mo akong magtapos ng pag aaral ano?" Natatawang sabi niya, "Oo!" Hiyaw ko, importante kasi na makapagtapos ng pag aaral, syempre iba na rin yung may natapos ka, may pinanghahawakan ka na hindi basta basta maaagaw sayo ng kung sino man. "Sa March ang graduation namin, pupunta ka?" Tanong niya saakin, mabilis nalang din yon October na ngayon.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!