-20-

51.3K 1.9K 475

"TWIN, sobrang thank you kagabi, ha? I had so much fun! Imagine nakapagparty pa din tayo kahit papaano tapos nandoon pa si Ate Caryl at si Kevyn! Kaya tuwang-tuwa si Lean, eh..." malawak ang pagkakangiti ni Aly habang nagkukwento sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid dito.

"True! Imagine, si Kevyn! I was really surprised! Pakiramdam ko tuloy, birthday ko din dahil dumating siya. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan!" kinikilig na sabi naman ni Lean.

"It was Ian's idea, actually. Na papuntahin si Kevyn at Ate Caryl..." sabi ko naman sa kanila habang nag-aayos ng gamit. Mamayang hapon ay magsisipag-uwian na kami. May mga isinasagawa pang activities ngayong umaga pero sinabi ko na rin na hindi ako sasali dahil masama ang pakiramdam ko.

"But where were you last night? Ikaw ang nagplano 'non pero hindi ka sumipot!" sabi ulit ni Aly. Inilapag nito ang damit at umupo sa may kama ko. "Saan ka nagpunta kagabi? Hinahanap ka ni Ian..." kunot-noong tanong sa akin ni Aly. Tinulungan niya rin ako na mag-ayos ng gamit ko.

"Sumakit kasi 'yung ulo ko..." pagsisinungaling ko. "Maghapon kasi kaming nagluto kaya napagod siguro ako. Hinintay ko lang na nandoon na kayong lahat tapos natulog na ako dito..." dagdag ko pa sa kasinungalingan ko.

"Sayang. Mas masaya sana kagabi kung nandoon ka rin since birthday natin 'yon," huminga ito ng malalim. "Anyway, have you talked to Jahann?" tanong niya sa akin. Natigilan naman ang kamay ko na may hawak na damit sa ere.

I cleared my throat. "Hindi. Bakit?" tanong ko rito. Iniiwas ko ang tingin sa kakambal ko at itinuon ang paningin sa mga gamit ko. Wala si Iris sa loob ng kwarto dahil ang sabi nito ay pupuntahan nito si Jahann.

"Wala rin kasi siya kagabi. Akala ko nga magkasama kayo, pero sabi ni Kol nagsabi si Jahann sa kanya na matutulog ng maaga..." sabi ni Aly bago tumayo at bumalik sa kama nito.

"Baka napagod lang din si Jahann..." sabi ko na lamang. Tumalikod ako para kunin ang iba ko pang gamit.

Kinagat ko ang labi ko.

I know he's hurting. Nasaktan ko siya...

But that's the right thing to do.

Huminga ako ng malalim bago muling inasikaso ang mga gamit ko.

Patuloy naman ang pagkukwentuhan nila Aly at Lean tungkol sa nangyari kagabi. Nasabi na rin ni Aly sa akin kanina na naimbitahan na raw si Kevyn para sa party namin sa susunod na Linggo. Pero hindi na nagpalipas ng gabi doon sila Kevyn at Ate Caryl dahil may maagang call-time si Kevyn para sa show nito.

Nang matapos sa pag-aayos ng gamit ay nag-aya si Alyn a lumabas pero pinili ko na magpaiwan nalang. Hindi naman ito namilit pa dahil sinabi ko na masama talaga ang pakiramdam ko. Sinabihan nalang ako nito na dadalhan ako ng pagkain at gamot.

"Why can't you admit that you're jealous, Cherinna?"

Paulit-ulit kong naririnig ang tanong ni Jahann sa akin.

I really can't, Jahann. Kasi kapag ginawa ko, mas maraming problema ang darating. Mas maraming iisiping bagay. It's better this way. We're better this way.

Pero bakit masakit?

He was frustrated last night. It was as if he's really hurting and I know he's really hurt.

"You did the right thing, Cherinna..." mahinang sabi ko sa sarili ko. "You did what's right..." pilit kong nilalabanan ang mapahikbi pero hindi ko rin nagawa. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa nangyayari. Niyakap ko ang mga tuhod ko at patuloy na umiyak.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!