-19-

47.9K 1.6K 419


HANGGANG sa magdilim na ay hindi ko pa rin nakikita si Jahann. Lahat kami ay pinatawag para na rin sa mga announcements para bukas at dahil na rin sa ginaganap na bonfire sa may tabing dagat. Sinabi ko na kay Aly na wala akong ganang magpunta sa labas at makihalubilo sa mga naroon pero wala naman akong nagawa ng hilahin na niya ako. Ginamit niya pang panakot na bawal daw inisin ang may birthday bukas.

Birthday ko rin naman bukas. Minabuti ko nalang na huwag ng makipagtalo pa rito at sumama nalang. Pare-pareho kaming naka-shorts lamang. Aly insisted we should wear sleeveless, too. Pareho sila ni Lean na naka-tank top, si Iris ay crop top naman ang suot. Inasar pa ito ni Aly na may balak daw akitin si Jahann, tumawa lang si Iris doon.

Hindi naman maaakit ng pusod lang si Jahann. He's better than that. Baka si Theon at Keij pa, pwede. Pero si Jahann? I highly doubt that. At dahil sa pamimilit ni Aly, isang loose na tank top na gray nalang ang isinuot ko.

Habang naglalakad kami ay nag-uusap pa rin si Aly at Lean tungkol sa party sa susunod na Linggo. She's really into it. Kahit pa may nag-oorganize naman ng party na iyon, gusto pa rin talagang makialam ng husto ni Aly.

"I'll invite Kevyn, Lean..." sabi ni Aly dito.

"Hindi nga? Oh my gosh, Aly!" halatang kinikilig na sabi ni Lean. "Ikaw ba mismo ang mag-iinvite sa kanya? Goodness! Alam mo ba nung nagtext siya sa akin, dinig na dinig sa buong bahay naming 'yung tili ko!" sinundan iyon ni Lean ng pagtawa. "Napagalitan ako ni Dad pero okay lang. That's Kevyn Ajesta!" dagdag pa nito.

"Uhm, hindi ako ang mag-iinvite. That's Cherinna's assignment..." ani Aly. Napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon ang dalawang babae. "What? Anong ako? Hindi ko nga kilala 'yon," sabi ko rito Kailan ko lang naman nakilala si Kevyn. Hindi naman kasi ako madalas manuod ng TV.

"Twin, of course you'll use your connection!" inakbayan ako ni Aly. "Ipa-invite m okay Ian," ngumiti siya sa akin at nauna na maglakad. Napasimangot ako. "I don't want to ask him to do that," sabi ko rito habang naglalakad.

"Eh di ako ang magsasabi. Sasabihin ko sabi mo," ani Aly na tila nang-aasar pa. "Alyanna!" singhal ko naman dito. Natatawa lang ito na nagpatuloy sa paglalakad. Si Lean naman ay tumingin sa akin. "Che, please? That'd mean a lot, I swear!" sabi naman nito na hinawakan pa ang magkabilang kamay ko.

"I'm not promising anything, okay?" sabi ko nalang dito. Tumango naman siya sa akin na bakas ang kaligayahan sa mga mata bago naglakad at sinabayan si Aly. Napailing nalang ako.

"I'm sure Ian will help you."

Napalingon ako nang magsalita si Iris na nasa gilid ko. "I'm sure he will, Iris..." sagot ko rito. Huminga ako ng malalim bago nagsimula na ulit na maglakad. "Why don't you answer him now. I am sure Ian will be happy," narinig kong sabi ulit ni Iris na nakasunod sa akin.

"I'm not in a rush, Iris. I'm fine," sagot ko na hindi lumilingon dito.

"Well, maybe it's the best time for you to say yes. Nasa ibang lugar tayo, memorable at—"

"What is it to you, really? Why are you pushing me to Ian?" hindi ko na napigilang tanungin siya, Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Sinasabi ko lang naman na bagay kayong dalawa. At lahat ng tao, nakikita iyon, Cherinna..." ngumiti siya sa akin.

"Iris, I don't want to sound rude or what, but it's really none of your business. It'll be my decision if I'll say yes to him now. Not yours. After all, ako naman ang nililigawan, hindi ikaw..." pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakakuyom ang mga palad ko habang nakatingin sa babaeng kaharap ko.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!