Chapter Twenty-Eight

11.6K 341 7


Mexico

"How long has she been in there?" untag sa akin ni Ruzz.

Nagsipagdatingan na sila kanina nang tawagan sila ni Cade. Nakalimutan ko na na andun din pala si Cade sa bahay at malamang na susunod siya. Nothing makes sense anymore, all I care about is Niki and our baby.

"Kanina mga 2 hours ago." sagot ni Cade para sa akin.

Narinig ko ang marahang mura na pinakawalan ni Ichiro.

"Meron bang nakukunan na ganun katagal sa emergency room?" hindi makapaniwalang saad ni Ruzz.

Hindi ko alam kung bakit nandilim ang paningin ko. Itinulak ko si Ruzz  at dinuro siya.

"Hindi siya nakunan, at hindi siya makukunan, naiintindihan mo?!" sigaw ko sa kanya.

"Easy man." hinila ako ni Ichi palayo sa kanila at pinilit na maupo. Napatingin siya sa kamay ko na noon ay namamaga na at nagkalat na din ang natuyong dugo. I didn't let anyone clean it or do something about it. Kung nasasaktan si Niki, mas lalo dapat ako. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito. This is all my fucking fault!  God.

""Ichiro, I won't be able to forgive myself kung mawawala ang baby." napahawak ako sa may dalawang mata ko at pinisil iyon ng marahan. This hurts so much. I don't think I can do this anymore.

"Mexico, hindi mo kasalanan ang nangyari."

"But you weren't there! Wala ka dun Ichi! Tinabig ko ang kamay niya, the reason why natumba siya, naiintindihan mo? I was so angry, I can't seem to see past the red haze."

"Ano ba kasing nangyari?"

Tumingin ako sa kanya. Sariwa pa ang lahat ng alaala sa isipan ko at pakiramdam ko ay mananatiling ganun habang buhay. Like God will curse me to remember this day forever because of what I did.

Isang marahang hikbi ang kumawala sa akin.

"Nasa opisina ako and then suddenly, Katherine was there--"

"Katherine?"

"Nigella."

"I know who she is, why is she there?"

"Sinabi niya na may affair si Niki at si Cade. Sinabi niya na nakita niyang magkasama at magkahalikan ang dalawa. She told me a lot of things that I truly didn't belive kasi alam ko na hindi iyon magagawa ni Niki."

Nakatitig lang sa akin si Ichiro at naghihintay ng sasabihin ko.

"I took the phone and dialed the house number, and there was no answer for the 5 times that I rang. Hindi pa rin ako naniniwala so I went to the house, and saw them holding hands like it was the end of the world. My eyes clouded with red and the next thing I knew, may pula na din sa katawan ni Niki. Iyon pala dinudugo na siya."

Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa mukha at nanatili sa ganung pwesto. Ayokong isipin na may nangyayaring masama sa loob. Ayokong lumabas ang doctor na may masamang balita.

Hindi ko namalayan na bumukas na ang pinto ng ER at lumabas doon ang tao na kitatakutan kong makaharap.

"Mr. Montereal?" isang mahinang boses ang bumasag sa natutulog kong diwa.

Bigla akong napatayo at sinipat ang may kaumbukang doctor. Maayos siyang tingnan na parang wala namang ginawa sa loob kundi panoorin ang mag-ina ko na magdusa at maghirap.

"Ako po yun. Kumusta na ang mag-ina ko?"

Bago pa siya nagsalita ay naunang magsalita ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang paglamlam niyon na parang nakikiramay sa aking kawalan.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Basahin ang storyang ito ng LIBRE!