-18-

51.7K 1.7K 355

NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana ng bus habang nasa biyahe kami. Ang sabi ng Professor na kasama namin ay may apat na oras ang biyahe kaya naman maaari pa kaming matulog. Doon nalang din mag-aalmusal sa Camp para hindi na hihinto pa sa daan at mas mabilis kaming makarating doon.

Kanina pa rin maingay sa loob ng bus dahil na rin sa mga kasama naming nag-uusap. Karamihan sa sakay ng bus ay mga babae na lantaran naman ang pagsasabi na ang gwapo ng mga pinsan ko, ni Enzo at ni Jahann. May mga nakita pa nga ako na kumukuha ng pictures at ginagawang background sila Theon at Keij. Wala namang pakialam sina Keij sa mga iyon. Ayaw nila Keij sa babaeng nagpapakita ng motibo sa kanila. Ang sabi nila noon, mas maganda pa rin na sila ang nagpapakita ng motibo kaysa ang babae.

Nilingon ko si Jahann na nakapikit sa tabi ko habang nakikinig ng kung ano mula sa phone nito. Nakipagpalit ng upuan si Iris kay Ian kaya naman mas malapit na rin si Iris kay Jahann. Napailing nalang ako nang makita kong nakatingin si Iris sa kapatid ko. Napatingin siya sa akin at hindi tulad noon, hindi na siya ngumiti sa akin.

Umayos nalanag ako ng upo pero 'di ko sinasadyang magalaw si Jahann kaya agad itong lumingon sa akin. "Are you okay?" tanong niya at inalis nito ang suot na earphone habang nakatingin sa akin. Tumango naman ako. "Sorry. Nagising kita," hinging paumanhin ko rito. Umiling naman siya sa akin. "It's fine. Why, do you need something?" mahinang tanong niya sa akin.

Umiling akong muli at saka ngumiti. "I'm fine. Go to sleep again, I'll just wake you up later kapag nandoon na tayo," sabi ko sa kanya. "Are you sure you're okay?" tanong niyang muli sa akin. Tumango ako ng isa pang beses sa kanya. "Sige na, matulog ka na..." muling ani ko rito.

"Okay," tumango-tango ito sa akin.

"Jahann, do you want to exchange seat?" napalingon ako kay Kol nang tanungin nito si Jahann.

"Fuck off, Kol," nakakunot naman ang noo na sabi ni Jahann rito.

"I'm just asking," may himig pang-aasar na sabi ni Kol sa katabi ko.

"Just shut the hell up," sagot ni Jahann dito bago sumandal at yumuko.

"Jahann, nagbake pala ako kagabi ng brownies..." biglang sabi ni Iris. "I'll just get it," kinuha nito ang isang bag nito at may kinuhang food container doon.

Nag-angat naman ng tingin si Jahann dito. "Iris, you don't have to—"

"Here!" kulang nalang ay idikit na ni Iris ang food container sa mukha ni Jahann. "Pinaghirapan ko 'yan kagabi. I hope you will like it," nakangiting sabi nito.

Nakatingin lang ako sa mga ito. Nilingon naman ako ni Jahann, nag-iwas nalang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa labas.

"Thank you," narinig kong sabi ni Jahann kay Iris. "You're welcome. Actually, nagpapractice pa ako na magbake at magluto para naman maipagluto pa kita ng mga gusto mong pagkain..." ani Iris. She's obviously trying to make a conversation.

"You don't have to," sagot naman ni Jahann dito.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon.

Gagawin niya ang lahat para maagaw sa babaeng nagugustuhan ni Jahann ang atensyon nito.

So, she's doing her best to make him notice her.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. I want Jahann to be happy, pero hangga't maaari, ayoko si Iris para sa kanya.

Idinikit ko nalang ang ulo ko sa may bintana ng bus habang nakatingin sa labas. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko iyong kinuha.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!