Bumalik ako sa may pinto at binuksan ang pinto. Umaliwalas bigla ang mukha niya at muntik na akong mapanganga dahil kahit na manloloko siya ang pogi lang talaga.

“Salama—“ Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

“Hindi kita pinagbuksan ng pinto dahil sa napatawad na kita. Pinagbuksan kita ng pinto dahil ayun sa 1987 Philippine Constitution, Article 3. Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws. At ayun sa Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.” Hinabol ko ang paghinga ko dahil sa dirediretso kong pagsasalita.

“Yun ang dahilan kaya pinapasok. Baka sabihin mo, napakaunlawful ko.” Tapos tinalikuran ko na siya at dumiretso sa sofa. Pero narinig ko pa ang sinabi niya.

“Salamat sa Philippine Constitution, no matter how outdated it is.” Dapat lang na magpasalamat siya sa Philippine Constitution. At dapat magpasalamat din siya na ako ay isang mabuting mamamayan ng bansa na nagbabayad ng tamang buwis kahit na minsan ay nag jay-jaywalking ako.

“Maupo ka. Ay wag pala muna. Tumayo ka and raise your right hand. Tapos sabihin mo ang oath para masiguro kong di ka magsisinungaling sa akin.” Nakasimangot na sabi ko. Ginawa naman niya ang sinabi ko pero hindi siya nagsasalita.

“Ano ang sasabihin ko?” I sighed in exasperation.

“Sabihin mo yung… I do solemnly swear that I will tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God. Ganun.” Tapos umupo na ako at pinanood siya.

“Di ba dapat sa bible nakapatong ang isang kamay ko?” Oo nga pala. Dapat pala may bible. Pero wala akong bible. Kaya kinuha ko ang pinakamalapit sa akin. Ang telephone directory.

“Ito. Isipin mo na lang bible yan.” Hinarap ko sa kanya ang bible at pinatong naman niya ang kaliwang kamay niya dito tapos huminga ng malalim bago nagsalita. 

“ I do solemnly swear in the name of my love to Maria remedios Asuncion Dimasalang,  that I will tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you God.”  Sabi niya pero pinandilatan ko siya ng mata.

“Wala nang ‘in the name of my love chuchu’ dapat. Pero di bali na. Ayaw ko ng paulit ulit. Maupo ka na at sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Ikwento mo mula simula hanggang katapusan. ” Bumuntong hininga ulit siya. 

“Kakatapos mo lang makipagbreak sa akin noon nung pumunta ako sa isang bar.” Simula niya pero tumaas agad ang kilay ko.

“Paanong kakatapos? Pagkagaling na pagkagaling mo dito pumunta ka agad ng bar?” Mataray na taanong ko.

“Hindi. Mga 3-4 days after our break up.”

“Naglasing ka lang 3-4 days after our break up? Masyado ka naman atang late kung makareact. Hindi kapani paniwala.” Dagdag ko pa.

“Pumunta na ako sa bar na yun, afterour break up, tapos araw araw na akong pumupunta pero nangyari ang lahat 3-4 days after our break up. May lumapit na isang babae sa akin. Si Charmille nga…” Pinutol ko ulit ang sasabihin niya.

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!