♥♥Four♥♥


"ANO?!" sigaw ko ulit sa mukha nya


nakita kong napalunok sya at nagiwas ng tingin


"w-wala akong p-problema" nakayukong sabi nya


"WALA?! SA TINGIN MO MANINIWALA AKO SAYONG WALA?!" napalunok sya


"w-wala talaga Lee" agad ko nalang sinuntok ang nasa tabi nyang pader


tumingin ako sakanya ng masama


"L-LEE!" sigaw nya ng dumudugo na yung kamay na pinansuntok ko


"wala yang sakit na yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon! magsabi ka naman ng problema mo rye!" sabay alog ko sa balikat nya


"w-wala talaga akong problema Lee.. sorry pero kailangan muna kitang iwasan pansamantala" napantig ang tenga ko sa huling sinabi nya


"bakit mo ko iiwasan?" lumunok ako


"para sagipin ang walong taong friendship natin hehe, sorry kailangan ko talagang gawin 'to" umiiyak na sabi nya


"bakit kailangan ng ganito rye? okay naman tayo ah? ba't biglang ganito? par?" umiling-iling lang sya


"s-sorry lee" saka sya kumawala sakin at tumakbo palayo


rye, ano bang problema mo??


-


"nak! nak gising na tanghali na" agad akong gumising ng marinig ko si mama


umaga na? hays! di nga pala ako nakatulog kagabi


"wala ba si rye, ma?" umiling sya


"wala eh, hindi ko na nga sya hinintay baka kasi ma-late ka nanaman" tumango ako sakanya


"sige po, ma" tatayo na sana ako ng pigilan ako ni mama


"may problema ba kayo?" tumingin ako sakanya "dati naman nung may away kayo pumupunta pa din sya dito, mas malala ba dun?" umiling ako sakanya


"maski ako ma, di ko po alam ang dahilan" napapaos na sagot ko


"hay, sana magkaayos kayo" ngumiti ako at tumayo na


"magkakaayos kami mama, di pwedeng hindi"


ngumiti ako at pumasok na sa banyo at naligo


-

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!