1 - Second Chance

111K 1.6K 172

Ang lagi nilang tanong: Bakit kayo naghiwalay?

Ang lagi kong sagot: Wrong time kasi.

--

Mga bata pa kami noon. Parehong selfish, childish at immature. Ano ba namang relasyon ang tatagal ng ganyan? Kaya napagdesisyunan naming pareho na maghiwalay na lang muna. Mga bata pa naman kami. Mabuti na 'yung maghiwalay kami kung kailan may natitira pang pagmamahal sa mga puso namin para sa isa't isa kesa naman patagalin pa namin hanggang sa mawala na ang pagmamahal at puro pagkamuhi na lang ang matira.

Pero sabi nga nila, first love never dies. Lahat tayo may hangover sa mga first love natin. Espesyal kasi. Unang kilig. Iisipin mo pa lang, nostalgic na. And my first love didn't die. Akala ko lang wala na... meron pa pala.

Walang hard feelings noong nagkahiwalay kami. Mutual kasi 'yung naging desisyon naming magkahiwalay. Sa katunayan nga, magkaibigan pa kami pero hindi na katulad ng dati na sobrang close namin. Friends to lovers but not lovers to friends. Palagi tayong moving forward, no stepping back. Ito ang consequence na hinaharap ng mga taong nahuhulog sa mga kaibigan nila. Wala nang balikan. Still, hindi ko maikakailang masaya ang naging relasyon namin kahit ba parang puro kalokohan lang. Hindi man lang kami nagkaroon ng first kiss. Noong Prom, muntik na. Muntik lang... dahil pinigilan ko sya. Naisip ko kasi, pinagbigyan na kami ng mga magulang naming makipagrelasyon sa isa't isa kaya bilang respeto, hindi kami dapat lumampas sa mga limitasyon namin.

Ang sabi ko sa kanya, sa first anniversary namin, magpapahalik na ako sa kanya. I'll be sixteen by then. Siguro naman pwede na. 'Yun nga lang, hindi kami tumagal ng isang taon.

Nang mag-college ako, akala ko mawawala na 'yung feelings ko sa kanya. It was not that intense. Puppy love kasi. Kilig-kilig lang kaya kayang hindi seryosohin... sinubukan lang namin dating magseryoso.

Sabi nila, 'yung magiging ka-relasyon mo sa college, sila 'yung may malaking posibilidad na makatuluyan mo talaga. 'Yung papakasalan mo. So ako, naghintay ako ng taong makakatuluyan ko habang buhay. Bukod sa pag-aaral, naging bukas din ang isipan ko sa posibleng magiging parte ng buhay-pag-ibig ko.

Pero imbes na sa isang estranghero tumibok ang puso ko, nahulog ulit ako sa kanya.

Simpleng-simple lang ang naging muling pagkikita namin. Second year college na ako nang mag-transfer siya sa school namin. Nagulat ako dahil nakita ko siyang naglalakad, hawak-hawak ang mapa ng school na nakuha nya siguro sa registrar.

Tumigil sya para pag-aralang mabuti ang mapa. Tapos bigla syang tumunghay at ako ang una nyang nakita.

Naramdaman ko noon na biglang kumabog ang dibdib ko. Sa sobrang kaba, gusto kong magtago pero nanatili akong nakatayo, napako sa tingin nya. He recognized me in an instant at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang ngitian nya ako, exposing the dimples on his cheeks.

Bigla akong nanlamig at namawis nang magsimula syang maglakad palapit sa akin. At ang tiyan ko, nagmistulang butterfly garden. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong na-realize ko na may gusto ako sa kanya. Para akong bumalik sa pagka-nene ko noong high school.

Tumigil sya sa harapan ko, may pagkamangha sa mga mata nya. Hindi ko alam kung naninibago ba sya sa hitsura ko. Kailan na nga ba ulit 'yung huli naming pagkikita? Graduation pa yata noong high school.

"Jill."

"J-Julian."

"So, hindi na pala ako si Jack?" Natawa sya ng bahagya. Dati kasi, noong high school pa lang kami, hindi uso sa amin ang HI at HELLO. Dahil ako si Jill at boyfriend ko sya, I dubbed him 'Jack'. Sabi nila magkapatid daw sina Jack and Jill at hindi raw bagay na maging tawagan namin pero ipinilit ko iyon.

Second Time (COMPLETED)Read this story for FREE!