Kabanata 39

157K 2.3K 159

Dedicated kay @annttpmntn thank you sa support! <3 :">

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER: iflovestrucks-Hahaha! nagiging pervy na si drake! xD Cant get enough lang ang drama sa lips ni kei marie?! xD Mwahaha. sweet as ever ni drake. may ganyan pa ba sa mundo?! XD mukzienaf-Ang halay lbg drake'gravity sobrang nabubuhayan ako ng dugo sa ksweeetan..parang kelan lng my takot ipaglaban yung relasyon nila..merong my ayaw a relasyon nila ngaun..boom..sila ng nkkakilig.. ireneight-SULIT PO TALAGA YUNG UPDATE!!! Ü TEAM DRAMA FTW~!!! infinite110612- kahit maiksi , sulit naman ee " nakakamiss si drake lalo na yung nagmumura niyang dimples haha xD grabe 3 dAYS lang silang di nagkita akala mo isang taon na e pag ibig nga nman ,. napapabago talga ng love ang ugali ng tao nagiging masiyahin na at di na masungit .. grabe ang sweet talaga ni drake sana may makilala din akong katulad ni drake :"'""> kakainggit si marie !! waaahh ' grabe ung mga banat ni drake nkakamatay sa sobrang kilig .. eurmylyn4ever-kung hindi ako nagkamali sa pag bilang may 5 sa lips 1 sa pisge at 1 sa ilong na halikan ang naganap sa chapter na to!! waaah! kayo na sweet, kasing sweet ng banana chips. grabe iba talaga ang nagagawa ng pag ibig, mababago at mababago ka talaga, good thing is positive ang nagawang pagbabago nun sa kanila.kyaah!


----------------------


Kabanata 39


Kinabukasan maaga kaming umalis ni Drake papuntang Zambales, punong puno ng excitement ang buong katawan ko para sa pagbabasa ng mga sea shells na sinulatan namin. Ano kayang mga hiniling nitong si Drake?


Nilingon ko siya na ngayon ay masayang nagmamaneho, "Matulog ka muna sweetheart, malayo pa tayo." Nakangiting sabi niya, tinusok ko yung dimple niyang nagmumura.

"Sinong may dimples sa parents mo?" Usisa ko sakanya, napangiti siya lalo sa tanong ko.

"Lola ko, kaya nga paboritong apo ako eh." Kwento niya, nakakatuwa kasi yung dimples niya sobrang lalim kaya wagas kung magmura.


Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at marahan na pinisil iyon, "Mamaya pagdating natin nandun si Mama.." Biglang sabi niya, napatingin ako sakanya! "A-ano?!" Hiyaw ko, nakakahiya.

"Gulat na gulat lang sweetheart? Haha, nandun si Mama pati si Yesha, pero uuwi din sila mamaya kasi may pasok bukas si Yesha.. H'wag kang mag alala, napagsabihan ko na si Yesha." Paninigurado niya saakin, napailing iling ako.


"Drake hindi mo naman kailangan pagsabihan yung kapatid mo.." Bulong ko, sandali siyang lumingon saakin pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.

"No sweetheart, kailangan matuto din yang si Yesha. Saka isa pa kinausap din siya ni Mama, kaya h'wag ka nang mag alala."



Pagkadating namin sa bahay nila sa Zambales, kaagad akong tumakbo sa pampang ng beach, nakakamiss yung hangin dito pati yung mga nagkalat na sea shells. "Hey, mababasa yang sapatos mo!" Suway saakin ni Drake at napapitlag ako nang tumungo siya para tanggalin ang sintas ng sapatos ko inalis sa paa ko iyon.


Pagkatanggal niya mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you sweetheart!" Magiliw na sabi ko na naging dahilan ng pamumula ng mukha niya! Hinawakan niya lang ang sapatos ko at hinayaan akong lumusong sa tubig.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!