If I Fall Chapter 23: The Clash

107K 1.3K 336

If I Fall Chapter 23: The Clash

(A/N: ANSAVEEEEH NA NAPASAMA ANG IF I FALL SA WHAT'S HOT NUNG MONDAY!?! First time yun guys ever!! WINNER!! Salamat po sa mga nagbabasa ng If I Fall. Grabe, ang saya saya ko lang! XD)

--

MONDAY; MUSIC TIME

(Barbs' POV)

Sabi nga ni Jicker sa TDG Book 2, "Don't ignore small things. Sometimes big problems are caused by small glitches."

Oo, totoo yan. Kasi ganyan ang nangyari samin ngayong Music time.

Pano?

Ay mali yang tanong tanong. Hindi pala pano. ANO dapat pala.

Ulitin natin. ANO?

Nagbago ang lahat dahil sa isang piraso ng intermediate pad paper.

--

Exam namin sa Music kay Rons ngayong Monday. Kagabi lang ako nagreview kasi buong weekend akong nag-isip ng iuupdate ko. Nyeta, anong ilalagay ko? Parang wala namang epek yung sinabi sakin nung Tukong yon. Nakakainis!!! Hello brain, what's wrong with you?

So ayun nga. Lutang ang utak ko pagpasok ko kanina. Ni hindi ako namamansin kaninang assembly. Kasi ba naman, bakit kailangang pag-aralan yung music theories ng ibang bansa? Anong gagawin ko dito? Magiging journalist ba ako kung makabisado yang theories? Nyemas! AAAAAARRRRGGGG!!! Wala akong pakialam sa mundo simula ng TLE hanggang bago magsimula ang MAPEH class. Review lang ako nang review. Bahala silaaaaa!!

(MAPEH TIME)

Pumasok si Rons na dala ang photocopies ng exam namin. Rampant na naman ang "AWWWW" sa classroom namin.

"Nagreview ka?" tanong sakin ni Tuko.

(-.-) "Nakita mo naman sigurong nagbabasa ako kanina diba? Hina mo rin noh."

Tuko: Ang taray mo naman. Nagtatanong lang!

Me: Ewan ko sa'yo.

Tuko: Bakit hindi ka pa nag-uupdate? Tinulungan na nga kita eh!

Me: Tulong ba yun? Humuthot ka nga lang sakin ng pambayad sa Starbucks!

Tuko: Dapat lang kasi yun, bayad sakin.

Me: Asa ka dude!

Tuko: Nako wag mo kong hamunin!

Me: Umay-

"ANO BANG PROBLEMA MO AH!?!"

If I FallRead this story for FREE!