Chapter 12

558 10 2
                                    

"Guys, narinig niyo na ba na may bago tayong mga kaklase?" Rinig ko, lumingon ako at nakita na si Alex ang nagsalita.

"Meron?" Lumingon sila sakin, tumango si Alex.

Sino naman kaya iyon? Eto kasing school na ito ay very selective, namimili sila ng mga ipapasok sa eskwelahan na ito. Mostly, mga matatalino ang mga kinukuha nila. Gusto kasi nila na umangat ang pangalan ng school na ito.

It's been two weeks since nagkita kami ni Vince, at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. Ang alam ko ay dito siya magaaral.
But i don't see him anywhere..

Noong linggo na umalis si Vince ay nagstay pa kami ng isa pang linggo. Ayaw pa umalis nina Alex at Leanne, masyado silang nagenjoy. Pero sad to say, kinailangan din naming umalis.

"I think the name of the tranferees are, Dominic and Zania." Aniya

Dominic and Zania.

Dominic and Zania.

Parang sirang plaka na umuulit sa utak ko iyong mga pangalan nila.

"Do-Dominic?" I stuttered, napatigil sila. "May problema ba?"

"Wala." I chuckled, umupo ako ng maayos.

Nagbalik sila.

"Ah guys, cr lang ako." Paalam ko, hindi ko na sila hinintay na sumagot. Umalis ako kaagad at dumiretso sa banyo.

Habang papunta, ay mabilis ang lakad ko.
Hanggang sa, nakaramdam ako ng matigas na dibdib. "Oof!"

"Okay ka lang?" Tanong ng lalake, yumuko ako.

"Okay ka lang?" Tanong ulit ng lalake, tumango ako. Tears started forming up in my eyes.

"Umiiyak ka ba?" Napansin ata niya, i sniffed at tumingin sakanya, "Vince?"

He smiled, "Bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sayo?" Puno ng pagaalala ang mukha niya, and in that way, gumaan yung dibdib ko.

"Umiiyak? Pfft, may pumasok sa mata ko." Ngiti ko, namiss ko siya. Namiss ko yung tawa niya, ngiti niya, yung mga ginagawa niya.

I miss him.

"Palusot." He stated, tumawa ako. Tinanggal ko yung mga natirang luha sa mga mata ko.

"Umiiyak ka eh."

"Hindi nga." He rolled his eyes. I chuckled.

"Tara kain tayo, libre ko." Ngiti niya, eto nanaman siya. Libre nanaman niya. Kapag siya yung kasama ko, hindi ako gumagastos. Nakakahiya tuloy.

"Libre mo nanaman? Ako naman." Ngiti ko, tumawa siya ng malakas at tumigil, his face looks serious. "No."

"Please? Ako naman ngayon. Libre ko." Tumingala siya, mukha bang nagiisip.

"No."

"Please?" Nagpuppy eyes ako, he sighed. "Okay sige." Tumili ako at nagsisitalon.

Tumigil ako pagtalon, "Pero ngayon lang." Aniya, i rolled my eyes.

"Okay, fine." Ngumiti siya, "Tara na." Sabi niya, inakbayan niya ako habang naglalakad.

Karating namin ng cafeteria, nagorder na kami. Syempre, ako nagbayad. Ayaw pa nga niyang tanggapin eh.

After that, bumalik na ako sa klase ko, same as he. Hindi kami magkaparehas ng schedule, pero we meet during breaks.

Nakaupo ako sa upuan ko ngayon, katabi ko si Chello. Naguusap kami tungkol dun sa mga transferees.

"Goodmorning, class!" Pumasok na si prof. Tumayo kami at binati siya, "Goodmorning, sir."

"As you guys may all know, may mga transferees," Tumili yung ibang babae sa classroom. "And i would like to welcome them, Mr. Suarez and Ms. Adams, kindly introduce yourselves." Mas lalong lumakas yung tili ng nga babae, i rolled my eyes. Girls.

May tumayong isang babae sa harapan ko, nanlaki yung mga mata ko. Si Zania?!

Pumunta siya sa harapan at ngumiti. "Hi, i'm Zania. Zania Adams." Tumingin siya sakin habang nagsasalita, she smirked after.

"Okay, thank you Ms. Adams." Ani ni Prof, naupo na si Zania.
Tumalikod siya at tumingin sakin, "Kamusta, Ayanna." She smirked, i stiffed. She chuckled at humarap na.

"And where is, Mr. Suarez?" Tanong ni Prof. Biglang bumukas ang pinto, bumungad ang isang napaka gwapong lalake.

Para sakin, mas gwapo parin si Vince.

"Sorry, i'm late." Aniya, his voice gave chivers down my spine. Tumingin siya sakin, at nang nakita niya na nakatingin ako sakanya, umiwas siya.

"It's okay, do you mind introducing yourself?" Tanong ni prof, tumingin siya sakin muli bago tumango at tumayo sa harap.

"Enzo, Enzo Suarez." Aniya, matalas ang tingin niya sakin. Malaki ang pinagbago niya, his voice, body at hitsura. Tumili ang mga babae, tss.

"Enzo, Enzo Suarez."

You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon