“Athena Klein, kapag ikaw kinunan ng laruan at inagaw sayo yun sa harap ng maraming tao, magagalit ka rin, gaganti ka. It took me years, Athena, years Alejandro for you to suffer. I got a bonus point nga lang because of Mavee.”

 

 

“Please, not Mavee.”

 

 

“Uh oh, sorry, akala ko kasi mas maganda na makita ninyong pati siya ay naghihirap.”

 

Dun na hindi nakapagsalita si Alejandro, hinawakan na lang nito ang dibdib niya at agad na natumba. Isinugod nila ito ni Attorney Buxani sa hospital.

 

 

“CALIXTO CHOU?” Ulit ni Mavee.

“Yes, he was my boyfriend before I met your Dad.”

Parang bombing sumabog iyon sa pandinig ni Mavee. Calixto Chou, father of Jay Craig Chou. Ang tawag ni Leila, si Craig na nakasalubong niya kanina. Coincidence lang bang lahat?

“Kasalanan kong lahat ito, Mavee. Iniwan ko kasi siya sa simbahan dati, ikakasal na sana kami. Hindi alam nila Lola at Lolo mo na kasintahan ko si Calixto, nagtanan kami at pumayag ang mga magulang niya na ipakasal kami. Nung araw na ikakasal na kami ay nakita kami ng parents ko, maraming tauhan ang Daddy mo that time, wala akong nagawa. Kahit siya walang nagawa.” Umiiyak na ang Mommy niya.

Inilayo ako ni Alejandro. Hindi ko alam ang nangyari kay Calixto, nung nagkita kaming tatlo sa isang business conference,years ago, akala ko okay na ang lahat, may asawa at mga anak na rin kasi siya, matatanda na kami. It’s been years Mavee, years had passed. I learned to love your Dad, lalo na at mabait siya sayo. Until this happened.”

Ang hirap-hirap mag sink in ng mga sinabi ng Mommy niya sa kanya. Ang tanging malinaw sa kanya ay si Craig, anong koneksiyon ni Craig sa mga nangyari. Si Leila, kailangan niyang tawagan ulit ang kaibigan. Marami siyang tanong pero ayaw niyang magtanong kay Craig, natatakot siya sa magiging sagot nito sa kanya.

“Mom, do anything for Dad. I have to talk to someone. I’ll be back.” Nanginginig pa ang mga kamay niya habang idinial ang numero ng bestfriend. Agad naman itong sinagot ni Leila.

“Tell me everything you know.”

******

Para siyang nakalutang sa kawalan. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig sa kaibigan. Hindi niya alam saan pupunta, wala na ang bahay nila, ang lupa, ang lahat-lahat. Pati siya, lahat nawala sa kanya.

Ayaw niyang umiyak, ayaw niyang magpakita na mahina siya, na talagang natalo sila ng hayop na mga Chou. Ang tanga niya, mula sa simula, palabas lang pala ang lahat. Ang galing-galing nilang mag-ama, ang galing ni Craig Chou, pati pamilya niya, pati kaibigan niya, walang pinalagpas. Mga hayop!

Kanina tinawagan niya na rin si attorney kung pupuwede pang mabawi ang lahat, pero wala na raw silang magagawa. Napadaan ang kotse niya sa bahay nila, correction, dating bahay. Walang ilaw, ang lungkot, parang ang nararamdaman niya ngayon. Kung pupuwede lang sanang pumatay ng tao, ginawa na niya.

Nagulat pa siya nung tumunog ang telepono niya, ang Mommy niya. “Mom?”

“Mavee, ang Daddy mo! Ang daddy mo!”

“Noooo!”

******

Pati panahon ay nagdadalamhati sa kanila. Umuulan ng araw na yun, kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos rin ng mga luha sa mga mata ng taong nassa paligid nila. Yakap-yakap niya ang ina habang ibinababa sa hukay ang kabaong ng ama. Wala na ang Daddy niya, hindi na nila makakasamang muli.  Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Ganun ba kalaki ang kasalanan ng ama sa mga Chou na maging ang buhay nito ang maging kapalit?

Nag-aalala si Leila sa kaibigan, yakap nito ang ina pero siya ay hindi man lang umiiyak. Nakatingin lang ito sa kabaong habang ibinababa sa hukay. Umuwi siya ng Gensan para damayan ito. Alam niya kung gaano kabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Siya nga nung malaman ang lahat ng participation ni Cyrus ay parang gumuho ang daigdig, paano na lang si Mavee?

Sinundan siya ni Cyrus sa Gensan pero wala pa ring effect sa kanya, kahit pa siguro lumuhod ito sa lahat ng simbahan. Ang sakit-sakit ng ginawa nito sa kanya. Si JC naman ang may pakana ng lahat, pag nagkita sila ng taong yun, malilintikan sa kanya yun. Igaganti talaga niya si Mavee.

Nagsimula ng umalis ang mga tao, malakas pa rin ang buhos ng ulan. Nagpaalam na rin si Attorney Buxani sa kanila, pati na rin ang Tito Greg nito na hindi man lang nilingon ng mag-ina. Silang tatlo na lang ang natitira sa Memorial park na yun, at ang mga taong nag-aayos ng libingan ni Tito Alejandro.

“Mavee, Tita, pagabi na po.” Ilang araw na rin kasing may lagnat ang Mommy ni Mavee, at nag-aalala siya para rito.

“Iwan mo na kami, Leila.” Parang walang buhay na sagot ng kaibigan.

“Mavee, may sakit si Tita. Do you think gugustuhin ni Tito Alejandro na makita kayong dalawa na ganito? Alam mo kung makakabangon lang si Tito ngayon ginawa na niya, masakit oo, pero we have to move on. We have to show to them na kaya natin. Mavee sorry, but I guess kailangang maging matatag ka, para kay Tita, para na rin sa Daddy mo.”

Hindi umimik si Mavee. Inalalayan niya lang ang ina nito para tumayo.

*****

(Konti lang ang baon kong drama, pag yan nadevelop ko, humanda si Batman!)

 

 

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz