CHAPTER 3:BROKEN PROMISE

71 2 0

*Week Passed*

Papunta na ako ngayon sa School, pagdating ko dun,pumunta agad ako sa classroom para duon na hintayin si Xander...

Dumadami na yung nga kaklase ko at wala parin siya, araw-araw nga halos magkasabay kami pumasok, except lang kung may emergency at may sakit siya, pero hindi manlang siya nagtxt o tumawag, ayy baka wala lang siyang load, haiiissssstttt! Ano ka ba charm, parating nayun sabi ko sa sarili....

Halos pinapakiramdaman kong bumukas yung pintuan....But I failed, hindi na rin ako nakikinig sa discussion sa pintuan pa rin kasi ang buo kong atensiyon.

Hanggang sa hapon walang Xander na dumating, nagpakita o nagparamdam manlang, nag-aalala na ako sa kanya, baka kung ano nang nangyari sa kanya. Umuwi na ako sa bahay na bagsak ang Balikat.

"Oh Iha, ang lungkot mo yata may problema ba?"tanong sakin ni Nanay Luceta

"Nay, pumunta po ba dito si Xander kanina?"

"Hindi eh, bakit hindi ba siya pumasok?"

"Hindi Nay , sige po akyat nalang ako hindi po muna ako kakain, busog pa po ako"

"Sige iha"

Pumasok ako sa Kwarto at sumalampak sa Kama....

Tiningnan ko yung Cellphone ko,wala paring Txt galing sa Kanya hayy :(

Oo nga Noh? Bat hindi ko naisip na tawagan siya.....

Dinial ko yung number niya, pero walang sumasagot, shet naiiyak na ako. Dinial ko uli yung number niya at sa wakas may sumagot na rin.

"Xander! Anong nangyari? May problema ba sa inyo? Xande--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang naputol ang tawag. Bakit niya pinatay? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Kanina ko pang gustong umiyak.

Pero pinigilan kung umiyak, at tinulog ko nalang ito............

Kinabukasan...

Paggising ko, tiningnan ko kung nagtxt manlang siya pero wala, naninibago ako ngayon kasi araw-araw text niya agad ang bubungad saakin.

Kahit labag sa kalooban ko, sinubukan kong gumalaw at tumayo sa higaan ko.

Kumain na ako ng breakfast at dumiretso ako sa school, baka nandun na si Xander, hahaha, excited na ako.

Pagkarating ko sa classroom, wala pa siya,so hinintay ko siya. Pero mukhang hindi na siya darating. Naramdaman ko nalang na bumagsak na ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mukang nasira na niya ang pangako niya saakin.

"She's
Broken
Because
She
Believed"



A/N:THANKS FOR READING

FREE TO VOTE ;)

Falling Inlove With My Bestfriend(One Shot Completed)Read this story for FREE!