CHAPTER 1:INTRODUCTION

207 3 0

CHARM POV

*kriiing*

*kriiing*

Kinapa ko ang alarm clock tsaka inoff ito at bumangon.

Another day with me!

Kinuha ko Cellphone ko.
Napangiti ako ng mabasa text niya.

From: Xander Bestie😘
....Good Morning Bes! Bangon na diyan! Hihintayin kita sa Gate!!!
To: Xander Bestie😘
.....Oo na!

Inilapag ko na ang Cellphone ko at sinimulan ng mag-ayos at mag-almusal.

Fast Forward....

Andito kami ngayon ng Bestfriend ko naglalakad papuntang Classroom. Halos nung Elementary kami hindi kami naghihiwalay. 4th year na pala kami stay strong sa'min no? Muka na nga kaming magjowa neto, hahaha. Kaya nga walang lumalapit kay Xander ehz akala nila boyfriend ko siya. Pfft. Gwapo naman kasi ng Bestfriend ko eh. Natatandaan ko pa nung unang kaming nagkakilala.

FLASHBACK

"Bata, bakit ka nag-iisa?"

"Eh, wala namang nakikipagfriends sakin eh"

"Gusto mo friends tayo?"

"Talaga!Yeheyyy,Friends!"

END OF FLASHBACK

Simula 'nun, hindi na kami naghiwalay lalo pa na close din pala parents namin kaya eto sobrang close na close kami, na para bang walang makapaghihiwalay saamin. Natanong nga nung iba kung bakit hanggang Bestfriend lang kami, hahahaha nakakatawa noh. Minsan nga nagkakasakitan na kami not emotionally but physically, brutal 'din ng lalaking 'to.
Pero naisip ko rin paano kung mahulog ako sa kanya? Nah,imposible naman nun diba? Tsaka hanggang friend lang kami. Oo mahal ko siya pero bilang Besfriend lang, hindi na 'yon magbabago.

"Oyy, Andito na tayo!"Sabi ni Xander

Pumasok na kami, sigurado akong wala pa 'yung teacher namin kasi maingay ang classroom mukhang nasa palengke.Tsk

"Xander!"tawag ko sa kanya

"Oh!" Sagot niya

"Sino Ba crush Mo?" Bigla kong tanong,hahaha

"Wala!"

"Wala ka diyan, sabi nila yung nga taong walang crush abnormal, abnormal ka ba Xander?"

"The hell?! Ano bang pinagsasabi mo?" Hala siya napikon na. Mwahahaha.

"Eh? Xander 'bat araw araw blooming ka. Hahaha". Unfair ni Xander, hindi siya nagsasabi kung may nagugustuhan na siya. Wala naman kasi akong sinasabi sa kanya eh. Kaya patas lang kami. Minsan nga naisio kong bakla si Xander, hahaha.

"Tahimik na andyan na si Mam!"Saway niya

"Owkie!!Malalaman ko rin ,mwahahahaha!!"

Nagsimula ng magdiscuss si mam pero panay sulyap ko kay Xander, hahaha ang cute ng magalit kagaya ko ang cute ko hahaha. Cute ko talaga, ahihihihi.

"Tumigil ka nga sa kangingisi mukha kang baliw." Sita niya sakin.

"Pakialam mo?!" Mataray kong tanong tsaka inirapan siya.

"Nagdeday dream ka nanaman." Plain niyang sabi.

"Oow, cute ko kasi." Sabi ko at napahagikhik. Napailing nalang ang loko. Langya hindi ba siya naniniwala? Mukha ba akong sinungaling?!

"Xander."

*****Dismissal Time*****

Dismissal nanamin, kaya napagpasyahan nanamin na umuwi. Naglalakad na kami ngayon papuntang Gate. Nagpara na kami ng taxi at sinabi ang destinasyon namin. Magka subdivision lang kami ni Xander pero ilang bahay pa ang agwat ng bahay namin.

"Charm, punta muna ako sa inyo, mag review nalang tayo mamaya" Aya niya. Siyempre bilang bestfriend wag nang magdalawang-isip,hahaha, gora na!

"Ay oo nga pala! Oh sige, kitakits nalang babye!"tapos kumaway ako, ganun din siya.

Nakauwi na ako ng bahay, wala yung parents ko nasa states sila si nanay Luceta lang ang nandito..

"Nanay Luceta?" Tawag ko, mukhang nagluluto na siya ng Hapunan, amoy na amoy ang ulam eh.

"Ano yun iha?"

"Dadating po si Xander, papasukin niyo nalang po tsaka papuntahin sa kwarto ko."

"Sige iha"

"Salamat po" Umakyat na ako at nagbihis at nagprepare na ako ng aking mga notes para sa review....

*Tok*Tok*

Alam kong si Xander ito, tunog palang ng katok alam kong siya na.

"PASOK!!"

"Wow, lakas ng sigaw!"

"Xander dito ka na pala." Sarcastic kong sabi.

"Ay hindi charm picture ko lang to oh?"

Binato ko nga ng notebook, pilosopo masyado eh.

"Ouch naman charm, hindi naman mabiro"

"Mag review na nga tayo!"

"Kaya nga"

*Pak*

"Aray!"

Kulit talaga nitong si Xander,
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at nag-umpisa na kami mag review.

Siguro 2 hours na ang nakalipas ng bigla kaming nakarinig ng katok alam ko naman kung sino ito eh.

Bumukas ang Pinto at pumasok si manang Luceta,

"Mga bata, handa na ang hapunan tara kumain na tayo"

"Opo, susunod po kami"sabi ko

"Tara na Xander, mamaya muna tayo mag review"

"Oo nga kanina pa tayo dito nag rereview, tsaka gutom na rin ako"

Bumaba na kami at hinintay nalang yung ulam paglapag ng ulam Nagkatinginan kami ni Xander at sumigaw ng

"ADOBO!"tsaka kami nag-umpisang kumain, paborito kasi namin to eh lalo na pagluto ni manang Luceta. Tahimik lang kaming kumakain. Tutok na tutok kami sa pagkain. Hahaha.

"Buuuuurrrrrpppp"sabay pa kami ni Xander.
Nagtawanan kami ni Xander pati si Nanay Luceta nakisali din.

Magbestfriend nga naman..Hahaha

Pagkatapos naming magreview, umalis na si Xander, alangan naman dito pa 'yon matulog? Pero pwede na rin. Hahahaha.

A/N:

Remember nakalagay sa Title? "One shot" so it means, asahan niyo na bawat chapters maikli lang. Arasso?~~

So yeah. Continue Reading.😅

Falling Inlove With My Bestfriend(One Shot Completed)Read this story for FREE!