Chapter 1

227 9 0
                                    

Nakaka-beastmode yung mga lalakeng ganyan eh! Ang feeling na ang hangin pa! Pasalamat siya at gwapo siya kundi nasampal ko na 'yon sa sobrang hangin. By the way lunch na nga pala ngayon and I'm on my way to the cafeteria. Asa ground floor na ako ng maisipang mag open ng fb, pagka-open ko tinignan kong una ang notifications ko...

Notifications:

Kael Gonzales accepted your friend request.

Kael Gonzales liked your photo. (profile picture)

Halos mapa-talon ako sa saya ng mabasa ko yun. Pano ba naman kasi siya po yung Ultimate crush ko since Freshmen hanggang ngayong Grade 9. But sad to say hindi siya dito nag-aaral, kundi dun sa dati kong school:( I decided na mag send ng message sakanya para mag thank you lang.

To: Kael Gonzales

Hi kael. Thanks:)

Pagkatapos kong na-send ang message kong yon. Balik ako sa facebook and may nagsend ng friend request sakin.

Friend Requests:

Mikhael Grae Thompson sent you a friend request

Confirm    Delete   

In-open ko yung account niya then pinindot ko yung profile pic, and you know what? Nakita ko nanaman yung pagmumukha nung mahanging lalakeng yun.

"Mikhael Grae Thompson pala ang pangalan nung kupal na yon." sabi ko sa isip ko

So inaccept ko nadin and after a few seconds...

Mikhael Grae: Hi Yvonne

Huwaw! Lakas ng loob na magsend pa ng message sakin.

Me: Hi din

Mikhael Grae: Awts..nagreply...

Me: Edi shing!

Mikhael Grae: Ayy, sorna po hahaha

Me: *seen*

Mikhael Grae: Ay seen:'(

Me: *seen* sabay log out

Pagkatingin ko sa harap may makakabunggo nanaman akong lalake na busy na nagta-type sa phone niya. Di nadin ako maka-iwas kasi ilang inches nalang at magkaka-bunggo na kami at over crowded na dito malapit sa cafeteria kaya....

*boogsh!* nagkauntugan na kami at muntik na akong ma-out of balance pero napigilan niya ako at nahawakan niya ako sa braso. Pagka-ayos ko ng tayo at inayos ko ang aking buhok nakita ko ang mukha nung lalake, si Mikhael yung boy. Ngumiti siya at nag-sorry ulit sakin.


"Sa susunod kuya tumingin tingin ka nga sa dinadaan mo." sabi ko pero sa hindi malakas na tono. Alangan namang mag eskandalo ako dito sa loob diba?!


"Oh, sorry naman daw. Busy kasi akong nagse-send ng message sayo eh." sagot niya mula sa likod ko, di ko na namalayan na nakapila na pala kami.

"Eh sino ba nagsabing sendan mo ko ng message ha?" masungit na sagot ko

"Ito naman, naniwala agad haha" napapatawang sagot niya. Di na ako sumagot kasi nag-mukha akong ewan sa sinabi niya.

"Ano? Bat di ka makasagot?" dagdag pa niya. Di na ako muling umimik kasi nakakabanas kausap 'tong lalakeng 'to.

Tapos na akong kumuha at pati rin siya kaya naghanap na ako ng vacant table, luckily meron malapit sa may bintana. Pumunta na ako malapit don sabay upo. Meron pang vacant tables sa gilid at harap ko pero mas trip ko lang talagang umupo malapit sa bintana. Maya-maya ay may umupo sa harap ko na naka-ngisi.

"Kristhine Yvonne Muñoz, right?" sabi niya. Ang kapal talaga netong lalakeng to! Matapos niya akong mabundol ng ilang beses may lakas pa siya ng loob na kausapin ako.

"Oo ako nga. Bakit?" sagot sa pasungit na tono.

"Bakit ang sungit mo Yvonne?" tanong niya

"Bakit ba? Di pa nga kita kilala eh. Tsaka bat ba ang tanong mo?" tanong ko pabalik

"Waoh! Woah! Easy. By the way I'm Mikhael Grae Thompson 15 and I believe na we're on the same grade and same room." sagot niya sakin ng naka-ngiti.

"Ah...ganun ba? Okay." tipid na sagot ko

"But you can call me MG" dagdag pa niya

"Sige. I'm Kristhine Yvonne Muñoz, KYM for short" sagot ko na din ng medyo may ngiti na sa aking labi.

So yun na nga, kumain na kami and bumalik ng room. As in sabay kaming kumain at naglakad pati bumili ng inumin. Napansin ko na ang mga tao sa paligid namin, especially ang mga ehem..ehem...girls ay nakatingin lang saamin at nagbubulungan. Grabe naman kung makatingin sila parang pinapatay na ako sa isip nila.

"MG bat parang papatayin naman ata ako ng mga babae dito?" tanong ko sakanya

"Ah...wag mo na silang pansinin. Insecure lang yan kasi ikaw ang kasama ko." sagot naman niya na nakatingin lang ng deretso.

"Eh ano naman kung kasama mo ako?" bumabalik nanaman ang pagka-masungit ko sakanya.

"Kasi, alam mo ba? Na ako ang Grea..." di niya na natapos pa ang kanyang sasabihin at parang nabigla siya at di maka-paniwala.

"Ah? Ano? Na ikaw ang?" pagtatakang tanong ko naman sakanya

"Ah...eh...wala. Sabi ko wag mo nalang silang pansinin." sagot naman niya nang naka-ngiti nanaman.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya kasi di ko pa naman kilala ang mga babaeng iyon. Tsaka first day na first day ng school oh, may friend na ako. Di ko nga sukat akalain na magiging kaibigan ko 'tong mokong na 'to eh, biruin mo pagpasok na pagpasok ko dito sa school na to siya ang unang nakita at nakabangga sakin. Timecheck, 12:50 pm na pala 10 minutes before time and 3rd floor pa ang room namin kaya hinila ko na siya at nagmadaling tumakbo.

"Haaay! Ano ka ba KYM, pinagod mo ko dun ah." hingal niyang sabi pagkarating namin sa classroom

"Eh sa 10 minutes nalang ang natitira time na, edi kelangan na talaga nating magmadali." sagot ko naman sakanya na humihingal din


Kinalma muna namin ang aming mga sarili atsaka humarap na sa pinto na tila'y papasok na pero pagkaharap namin sa pinto halos lahat ng classmates namin ay saamin nakatingin, inikot ko ang aking mata at nakita ko din na pati pala ang mga estudyanteng babae sa hallway ay saamin nakatingin. Tinginan ko naman si MG at nakita kong nakatingin siya saakin na blanko lang ang mata, walang emosyon kaya napa-yuko nalang ako at dumeretso sa loob.

Mr. Paasa meets Ms. UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon