Chapter 8

------

[Aerith’s Heart]

After 2 days, nadischarge na ko sa hospital, of course hindi pa rin ako out of danger, anytime, pwede pa rin ako mamatay. Tas nadagdagan pa yung medicine na dapat kong inumin every day. Wahhh hirap. Hindi kaya mamatay ako dahil sa overdose at hindi dahil sa sakit ko?? Lord wag naman sana.

>>>12PM>>>

Lunch break namin….

Nilabas ko na yung lunchbox ko dahil sa canteen ako kakain.

“Aerith!”

Pagkalingon ko, I saw Renren sa may door ng classroom namin. With his usual serious expression. Mukha tuloy siyang galit sa kin, pero ok lang sa kin, I know naman na that's his usual expression saka ang saya kase willing na talaga siyang maging friend ko.

Lumapit ako sa kanya.

“Oh baket?”

“Uhh..ano kase.. sabay ka na maglunch sa min. Ipapakilala ko sayo mga kabarkada ko. This is not a question, it’s an order.” Psh… ang bossy!!!

May choice pa ba ko? Hindi niya ko tinatanong kung pwede ba ko kundi inuutusan niya ko na sumabay sa kanila whether I like it or not pero ok lang! As long as nandun naman si Renren.

So kinuha ko na yung lunchbox ko and we headed na sa canteen..

Pagkarating namin dun, nagtago ako sa likod ni Renren.

Wow ang lapad ng likod niya, lalakeng-lalake at mas matangkad talaga siya….. wahhhh anong pinagsasabi ko???

“Huy, ba’t ka nagtatago?” tanong ni Renren sa kin..

“Ah. Eh… kinakabahan ako eh..”

“Tss. Di ka naman nila kakainin.”

Tas humarap siya sa kin at inikot ako sa paharap dun sa table nila tas hinawakan niya magkabilang balikat ko at tinutulak na ko papuntang table nila.

“Darren! Yan ba sinasabi mong kaibigan mo? Ang cute niya ah!” sabi nung girl na kabarkada ni Renren

“Chicks talaga dre! Lakas!” ha? Ano daw? Di naman ako anak ng manok eh!!

"Shut up. She's just a friend. She's Aerith." he said coldly. Huuuu~ ang lamig niya, kelangan ko ng jacket.

Tumayo bigla yung babaeng cute, maputi at medyo pinagkaitan ng height na kabarkada ni Renren tas humarap sa kin at kumaway.

"Hello! I'm Gabriella Escudero! At yung lalaking singkit naman na yun ay boyfriend ko! Si Harold Jayson Clavio!"

I smiled at her at dun sa lalaking singkit na mukhang maangas.

"H-hi... I'm Aerith Cyrile Hannah Yuzon."

"Awww ang cute mo! Mahiyain ka? Naku pano mo naging kaibigan yung mokong na yan?" sabay turo niya kay Renren

"Wait! Aerith Cyrile Hannah Yuzon? Babe, hindi ba siya yung laging top 1 sa overall ranking naten?" napatayo bigla yung boyfriend ni Gabriella.

"Ah! Oo nga no? Kaya pala familiar! Nasabi ko nga dati na napaka-unique ng name mo eh! Ahaha tas ngayon na nakita na kita, kasing-ganda mo rin pala name mo!" sabi ni Gabriella.

"Ah...hindi naman...hehehe" I shyly said.

Tas biglang tumayo na din yung isang lalakeng kabarkada nila at hinawakan ang right hand ko.

Pervert ba 'to??

Biglang tinaboy ni Renren yung kamay nung lalaki sa pagkakahawak sa kin.

"Hoy Jake. Magpakilala ka nga ng maayos! Hindi yung parang nagf-flirt ka! P*tek." inis na sabi ni Renren dun sa Jake na mukhang perv.

"Hahaha sorry naman dre! Ang ganda eh."

"Shut up, babaero."

Tas humarap na sa kin yung Jake at ngumiti sa kin

"Hey Aerith, I'm Jake Cuenca. Joke! Hahaha Jake Cuevas is the name! Don't forget!" then he winked at me

Fuuuu gave me the shivers ~

Bigla akong inakbayan ni Gabriella.

"Wag mo nang pansinin yung lecheng babaerong yun Aerith! Hahaha bwiset lang yan. Anyway, since kaibigan ka ni Mr. Heartless. It means na friends mo na rin kami! Got it?"

Ano daaaaaaw? Really??? Oh my G!!!

"H-ha? O-okay..."

"Then simula ngayon samin ka na sasabay every lunch and recess!" sabi nung Harold na boyfriend ni Gabriella at ngumiti siya sa kin.

"Sige..."

"Yun oh! Nadagdagan na ang barkadang lutang! Hahaha! Welcome to the family Aerith!" sabi ni Jake sa kin.

I looked at all of them and I flashed a smile.

May mga gan'to pala kabait na tao sa school na 'to. Baket ngayon ko lang sila nakilala?

Yeyyy may new friends na ko.

And it's all thanks to Renren.

So lumapit ako kay Renren at bumulong sa kanya.

"Thank you Renren. I owe you a lot."

"Tch. Just don't die on us so that the favor is paid."

"I can't promise you that."

"Then just be happy while you're with us." he said.

"Sure, I will be."

--------

Author's Note: Medyo sinipag ako mag-UD today while I'm still wide awake! Che! Inspired ngayon si author dahil sa boyfriend niya*u* (I'm in a long-distance relationship with a guy from S.Korea named Jeon Jungkook<3 Chos, feelingera ba si author? Pagbigyan! Si 'boyfriend'/bias na nga lang nag-iinspire sa kin eh!)

Anyway, sana talaga nagustuhan niyo 'to! Please? Hahahaha di naman ako namimilit or desperada so whatever you do, bahala na si Pikachu xD

Vote & Comment!!<3

I love you sa kung sino mang tumatangkilik neto! Heart heart!!<3

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!