Chapter 51 (THE WEDDING)

145K 1.7K 192
                                    

~Chapter 51 (THE WEDDING)

**

Erika's POV 

Ngayon. 

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Allen.

At ngayong araw na ring ito, sisimulan 'ko nang maging masaya at tanggapin lahat.

"Ang ganda naman ng ating bride! Hindi mo na kailangan ng make-up!" sabi nung beki na kinuha ng mommy ni Allen. Oo, lahat ng nag-assist, galing pang Pinas. Para daw hindi ako manibago.

Hindi 'ko naman talaga pinangarap ikasal dito sa Europe..

At para bang may nagsabi sa akin ng.. Erika, sandali.. 

Kinuha 'ko yung phone 'ko at sinubukang tawagan si.. Bryan.. Para sa huling pagkakataon..

The number you are calling is not yet in service..

The number you are calling is not yet in service..

The number you are calling is not yet in service.. 

I called him repeatedly.. Pero wala.

Para saan nga ba? To tell him 'goodbye'? Common sense Erika. Lalo mo lang siyang sasaktan.

"Ateng, sino ba yang tinatawagan mo? Si Fafa Allen ba yan? Nako, bawal yan! Konting tiis ha. Maghaharap na rin kayo mamaya sa altar! Ay nako, bongga!" tuwang tuwang sabi ni beki.

Napapangiti na lang ako sa mga sinasabi niya..

Maghaharap na kami mamaya sa..altar.. 

Sana nga, lahat ganito kadali. 

...

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon