-17-

57.5K 1.9K 512

"JAHANN, hindi naman kasi ganyan 'yan!" winisikan ko si Jahann ng harina sa mukha bago ako naghugas ng kamay. Hindi siya ulit nagpunta sa Ai's ngayong araw. Nang mag-uwian na ay dumiretso kami sa bahay at niyaya ko siya na magbake ng cake pero kanina pa niya ako pinagtitripan. Tanong siya ng tanong ng gagawin kahit alam na alam niya naman kung papaano.

"Show me how, Creep..." natatawang sabi nito bago isinawsaw ang hintuturo sa chocolate syrup na naroon at saka ipinunas sa mukha ko.

"Jahann!" pinanlakihan ko ulit siya ng mata pero tinawanan niya lang ako. "Akala mo, ah!" kinuha ko ang caramel syrup na naroon at nilagyan rin siya sa mukha. Hindi ko pa rin mapigilang matawa nang makita kong halos buong mukha na ni Jahann ang may syrup samantalang pisngi ko lang ang may chocolate syrup.

Kanina nang pumasok kami sa school ni Jahann ay panay ang tanong sa akin ni Iris kung saan kami nagpunta kahapon ni Jahann dahil bigla nalang kaming nawala. Sinabi niya pa sa akin na sinabi ni Kol sa kanya na may bibilhin kami. Pinanindigan ko nalang at iyon ang sinabi ko kay Iris. I'm not sure what's with Kol, actually. Hindi din kami nakapag-usap kanina dahil abala sila nila Jahann para sa pag-aasikaso sa Camp. Kaya ang buong akala ko ay mag-isa akong uuwi pero nagtext naman sa akin si Jahann na susunduin ako sa room ko. Nauna nalang akong lumabas kaysa kay Ian at Iris para na rin hindi magpang-abot si Jahann at Ian kung sakali. Alam ko naman na hindi talaga gusto ni Jahann si Ian para sa akin.

"Are we really going to bake or what?" tanong ni Jahann sa akin. Nilingon ko naman siya at muling natawa. Lagyan na rin natin ng chocolate 'yung mukha mo..." lumapit ako sa kanya hawak ang chocolate syrup pero agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. "Abuso ka, ah?" sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako. "Mahal mo naman ako, diba?" sabi ko sa kanya at saka tumawa ulit.

Ngumiti lang si Jahann sa akin at saka inagaw ang chocolate syrup sa akin at nilagyan ako sa mukha.

"Jahann!" malakas na sigaw ko rito.

Narinig ko naman ang pagtawa nito. Yumuko ako. "Pumasok ata sa mata ko..." sabi ko rito at saka humawak sa lamesa.

"What?" agad na lumapit si Jahann sa akin. "Shit, I'm sorry..." hinawakan niya ang pisngi ko para paharapin ako sa kanya.

"Wait, ang sakit ng mata ko..." muling sabi ko sa kanya.

"Creep, patingin. Are you okay? I'm sorry..." bakas ang pagkataranta sa boses ni Jahann habang pilit akong pinapatingin sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin at hindi ko mapigilang matawa. I stuck out my tongue and laughed. "Joke lang."

Tinitigan naman ako ni Jahann. "You're not funny," ismid nito bago pinitik ang ilong ko.

"What are you guys doing?"

Sabay kaming napalingon ni Jahann sa may pintuan ng kusina nang magsalita si Aly. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Jahann.

"We're uh... baking a cake," sagot ko kay Aly. Kumuha ako ng tissue at iniabot iyon kay Jahann.

"Baliw talaga kayong dalawa," iiling-iling na sabi nito. "Anyway, I'm with someone..." ngumiti si Aly sa aming dalawa ni Jahann. "Better fix yourself, snob..."

"What?" tanong ni Jahann dito pero agad na sumilip si Iris mula sa pintuan ng kusina namin.

"Hi," ngumiti ito sa amin. "Oh my, God!" agad na lumapit si Iris kay Jahann. "What happened to you?" tanong nito kay Jahann. Mabilis na dinampot ni Iris ang tissue na nasa may harap ko at kumuha roon. "Ang lagkit nito," sabi niya pa kay Jahann bago akmang pupunasan ang mukha ni Jahann.

"I'm fine, Iris. I can do that by myself," agad namang inawat ni Jahann si Iris.

"Just let me do it, okay?" ngumiti naman ng matamis si Iris kay Jahann at nagpumilit na punasan ang mukha nito.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!