Chapter 1

6 0 0
                                    

"Im sorry, Bea. Hindi na kita mahal. Layuan mo na ako simula ngayon."

"A-anong sinabi mo baby?"

"Ang sabi ko, layuan mo na ako. Hindi na kita kailangan sa buhay ko."

"Ano bang pinagsasabi mo baby? Wag ka namang magbiro ng ganyan. Ang sakit pakinggan e..."

Sa sinabi nya, mas lalong humirap para sakin itago ang lahat ng ito. Ang sakit para saakin sabihin lahat ng salitang binitawan ko sa harap ng taong pinakamamahal ko.

"Bea, pagod na ako. Narealize ko na yung ganitong klase ng relasyon, hindi kailanman magtatagal."

"Pero sabi mo hindi tayo maghihiwalay diba? Sabay pa nating tutuparin pangarap natin sa isat-isa, sabi mo pa, wala kang pakielam sa sasabihin ng iba. Anong nangyari, Jho? Saan ba ako nagkulang?"

Sa bawat pintig nya ng salita, mas lalong umintig ang nararamdaman ko sa ginagawa ko. Kasabay pa nito ang mga yakap nya sa bisig ko na pilit kong binibitawan. Ito lang ang naiisip kong paraan para iwan nya ako. Dahil mas gugustuhin ko pa syang makitang masaya sa iba kesa nangungulila saaming dalawa.

"Pwede ba bea?! Bitawan mo na ako. Wala kang pagkukulang, ako ang may problema! Hindi ako katulad mo na kayang ipagmalaki ang taong mahal nya sa lahat, dahil ako, duwag ako. Hindi ako nababagay sayo."

"Hihintayin naman kita diba? Pleaseee babe wag namang ganito. Sobra na akong nasasaktan e. Tama na please. Wag mo kong iwan."

"Im sorry bea, pero hindi ko kayang panindigan ang ganitong klase ng relasyon. Gusto ko mamuhay ng normal."

"At bakit, Jhoana?! Hindi ba normal sayo yung ganito? Na araw-araw binibigyan kita ng rason para maging masaya at ibuhos lahat ng atensyon ko para sayo!?"

"Im sorry Bea"

"Jho please... Baby...Don't leave me..."

Lumuhod sya sa harap ko at niyakap ang kaliwa kong tuhod.

"Marami pang deserving para sayo, Bea. Hindi ako nararapat sayo dahil puro sakit nalang naidudulot ko.. Maawa ka rin naman sa sarili mo.."

"Wala akong pakielam kahit puro sakit nalang. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Okay lang kahit hindi mo ako kayang ipagmalaki sa harap ng mga kaibigan mo, sa mga teammates natin. Basta wag lang ganito o, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.."

"Im sorry Bea, Goodbye."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untitled. Where stories live. Discover now