-16-

46.4K 1.7K 364


"CHERINNA, nagtaxi ka?" tanong sa akin ng kasambahay namin nang pagbuksan ako nito ng gate. Nakatingin din ito sa taxi na papalayo mula sa bahay namin. Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Naabutan ko naman si Mommy at Daddy na nasa may living room. Nakasandal si Mommy kay Daddy habang nakaakbay si Daddy dito.

Well, at least, there's something that can make me smile now.

"Dad, Mom..." bati ko sa mga magulang ko bago lumapit dito. "Sinong naghatid sa'yo? Kol?" tanong ni Mommy sa akin. Umiling naman ako at saka umiling. "May dinaanan pa po kasi ako kaya hindi na ako nagpahatid kay Kol..." sagot ko rito.

"Dale called me. He said Jahann's there, and Aly. Bakit hindi ka nalang sa Ai's nagpunta para sabay-sabay kayo?" tanong ni Daddy sa akin.

Hindi ko naman po kasi alam na pupunta si Jahann doon. May usapan kasi kami kaya naghintay ako sa school pero walang Jahann na lumitaw.

Gusto ko sanang isagot kay Daddy.

"Dad naman, anong gagawin ko sa Ai's?" tanong ko rito na natatawa.

"You're into photography, too, Cherinna..." sagot naman ni Daddy sa akin. Tumango ako. "Yeah, but that's Jahann's thing. And modelling's Aly's. Manunuod lang ako sa kanila kung nandun ako..." sagot ko naman dito.

"Man aka sa mommy mo, lagi ring may sagot," nakakunot na sabi ni Daddy sa akin. Napangiti akong muli.

"Reklamo ka ng reklamo, mahal mo naman ako..." sagot naman ni Mommy dito.

"Oo nga," nilingon ni Daddy si Mommy. "Let's eat, I'm hungry, Ai..." aya ni Daddy kay Mommy. Tumayo na ito at inalalayan si Mommy. Inaya rin ako ni Daddy pagkatapos.

"You're friends with Iris, Cherinna?" tanong ni Mommy sa akin nang maupo na kami sa may hapag. Nag-angat naman ako ng tingin dito. "Uhm, she's my classmate, Mommy. Si Aly ang mas close niya dahil magkasama sila lagi sa Ai's..."

Tumango-tango naman si Mommy sa akin. "She's pretty. Right, love?" tanong ni Mommy kay Daddy.

"I don't know. May maganda pa ba bukod sa inyong tatlo ng mga anak natin?" tanong ni Daddy kay Mommy. Natigilan naman si Mommy bago tumingin kay Daddy. "Mikael..." saway ni Mommy kay Daddy na halata namang kinilig.

Napangiti naman ng tipid si Daddy. "Let's eat," sabi nalang nito sa amin.

Yes, Cherinna. That's it. Divert your attention. Isa pa, hindi naman big deal ang nangyari. Baka nakalimutan lang ni Jahann na magmessage sa akin kaya hindi niya nasabi na kailangan siya sa Ai's ngayon.

It's hard to admit what I feel.

Nagseselos ako kay Iris.

Nagseselos ako kasi nararamdaman ko na napapalayo na si Jahann sa amin. Sa akin.

Yun lang naman yun. Nagseselos ako kasi close kami ni Jahann pero ngayon, nakakalimutan na niya ako dahil kay Iris. Sa dami ng babaeng nagkagusto kay Jahann, si Iris pa lang ang pinaka-nagkaroon ng pagkakataon na makalapit ng husto kay Jahann.

Sasama rin siya sa camp dahil kay Iris. Noong una ay gusto kong isipin na dahil sa amin ni Aly. Sasama siya dahil sasama kami, pero ngayon... malinaw naman na. Sasama siya dahil kasama si Iris.

"Cherinna, are you okay?" tanong ni Daddy sa akin. Napapitlag naman ako ng hawakan ni Daddy ang balikat ko.

"Po?" tanong ko sa kanya. "You're not eating. Do you want something else?" tanong nito sa akin. Agad naman akong umiling. "I'm fine, Dad. Naisip ko lang 'yung... uhm..." Damn.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!