Chapter 16

12.7K 429 10
                                    

Chapter 16

ALEXIS

'Dude gigisingin na ba natin yan?'
'Tsk hayaan niyo na yang magising mag-isa buhay pa naman yan hindi pa patay'
'Bahala ka eh bawal sa teretoryo natin ang tinulugan nang babaeng yan!'

"Ouch!" Daing ko at umiling-iling ang sakit ng tenga ko biglang nag-echow sa tenga ko ang ibang klaseng tunog.

"Gising ka na pala. Wait! Nerd?" Biglang sumama ang tingin ko nang makilala kung sino ang nagsalita.

Damn you! Ang iingay niyo sabi ko sa isipan at hinilot-hilot ang leeg ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko at uwian na pala at sure akong hinahanap na ako nila Stella at Sophia.

Sumandal muna ako sa upuan at pinagkrus ang braso. Hindi ko pinakialaman ang binibigay na masamang tingin sa akin ng mga boys lalong-lalo na si Alex.

"Tsk! Paano ka napunta dito?" pagbabasag ni Freak sa katahimikan.

"Lumipad? Malamang naglakad papunta dito hindi naman ako si darna," pilosopo kong sagot na ikinagulat ng iba dahil sa pabalang kong sagot.

Napadapo ang tingin ko kay Jake na ngayon ay nakatingin sa kalangitan at nakasandal sa railings nito.

"Alam mo ba kong nasaan ka?" tanong ni James.

"Uhm rooftop?" hindi ko siguradong sagot at inikot ang paningin sa kanilang lahat.

"Sa teretoryo ka namin umapak at may punishment ang taong hindi naman parte ng grupo namin na tumatapak dito na walang paalam," paliwanag ni Justine.

"Anong klaseng punishment?" tanong ko sa kanila.

"Si Alex, siya ang magbibigay sayo ng punishment," sabi ni Andrei at napatingin kami kay Alex na nakangisi.

Taas kilay na tinignan ko si Alex na nakahawak sa chin nito para mag-isip. Ngumisi ito senyas na nakaisip siya ng magandang ediya na punishment. I don't care kung anong punishment man 'yan.

"Be my slave, Nerd."

Napaawang ang panga ko sa gulat at mahinang natawa. "Seriously?" Madami na siyang alipin ah?

'Yung mga unggoy na kasama niya?

Tsk. Bakit nga ba kasi ako napadpad dito?

Argh! Tumayo na ako at isinukbit sa balikat ko ang bag ko.

"Kailan ako magsisimula?" tanong ko na nakatalikod kay freak.

"Bukas linisin mo ang headquarters namin ihahatid ka dun ni James," sagot niya at kahit nakatalikod ako sa kanya ay alam ko na nakangisi siya.

"Ba't ako? Dapat si Justine hindi ako kasi.. Ahm he he busy ako eh," saad ni James sabay kamot sa batok niya.

"Don't be such a nonsense idadala mo lang naman si nerd papunta sa headquarters," si Arthur naman ang nagsalita at as usual ang ganda nang boses niya.

"Paano? Kikidnapin. Bubuhatin? O liliparin?" tanong ni James na ikinatawa nang-iba.

"Anong nakakatawa? Maynakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ni James at tumingin sa akin.

"Meet me tomorrow in cafeteria idala mo ako sa headquarters niyo para hindi na magusok ang ilong nang leader niyo," sabi ko at nag-smirk.

"Anong sabi mo?" inis na tanong ni freak.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon