Chapter 11: Grounded

937 26 2

{ YURIL's P.O.V. }

*Bbbbzzzttt* *Bbbbzzzttt*

O.-



-.O




O.O...







-.-...

Ugh! Nakakatamad bumangon ngayon ah?

Dahan-dahan akong bumangon para patayin ang alarm clock..

*Bbbzzztt...bzzz--

Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko bago tumayo para kunin ang tuwalya. I need to take a bath before Taezel takes a bath. Ang tagal pa naman nun maligo.

Nang makuha ko na ang tuwalya ay lumabas na ng kwarto namin ni Taezel. Ayun tulog mantika pa ang liit.

Pababa na ako ng hagdan.

"Morning anak."

"Morning ma."

Grabeh, ang aga-aga ni mama. Pero nah...mamaya nayan at maliligo pa muna ako.

After minutes.

Kaharap ko na ngayon ang salamin habang nagsusuklay. Tapos naman na akong magbihis ng uniform.

"Ugh! nakakaantok naman!" hiyaw ni Taezel na kakagising palang. Pero nagugulong-gulong sa higaan.

"Oy! duwende! Bumangon kana diyan malelate na tayo!"

"Makaduwende ka ah? Eh ang liit mo din naman!"

"Oh ma gash! Excuse me? ako? maliit? Eh mas matangkad pa nga ako kay Micheca na mas mataas din sayo ah!"

"Blah...blah...." sagot nalang niya at bumangon na para kumuha ng tuwalya.

Akmang aalis na sana si Taezel pero may pahabol pa siya.

"Don't you dare! Wear my socks again!" banta niya sakin bago lumabas.

Tsaka excuse me lang din ano? Ang baho-baho ng medyas niya! Ano bang gamit na sabong panlaba nito't ang baho-baho talaga?!

Umiling nalang ako at hinanda ang mga gamit ko at bumaba na. Tinulungan ko na din si Mama na magplace ng pinggan. Si Dad naman, ayon, kakapasok lang niya bitbit ang newspaper.

"Nasan si Taezel?" tanong ni Dad habang hinay-hinay na umupo sa hapagkainan.

"Ayun, nasa panty niya." bored kong sabi.

Naramdaman ko namang tumahimik ang paligid. Kaya tumingin din ako kay Mom at Dad. Ayun, si Mama na shock, si Dad ang sama makatingin sakin.

Oh no! hahaha, nakalimutan ko, seryosong tao pala tong si Dad.

"Uhm, a-ang ibig kong sabihin ay, n-nasa taas. N-nagsusuot pa ng panty! he.he."

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now