Chapter One - The Real-life Cupid

12K 309 35


­"Weird."

"Creep."

"Psycho."

Napabuntong hininga si Sol nang marinig ang mga pagbulong ng mga taong kasalukuyang naka-tingin sa kanya ngayon habang siya'y pauwi sa kanyang bahay.

They're whispering but she can still hear them. Fuck it.

She tsked at mas binilisan pa ang kanyang paglakad. Yumuko na lang siya upang hindi siya makita ng mga tao ngunit ramdam na ramdam niya pa rin ang mga mata ng mga itong naka-tingin sa kanya. They kept on whispering kaya't nagdesisyon na lang siya na tumakbo ngunit nakakailang hakbang pa lang siya upang tumakbo ay napatigil na kaagad siya nang biglang humarang sa kanyang daraanan ang mga batang kalye. Her mouth fell when she saw them grinning at her while holding stones.

"Aswang."

She rolled her eyes. Yes, aswang. They called them that dahil mas madalas daw siyang lumalabas sa gabi kesa sa umaga at masyado daw siyang weird. Puro itim daw ang kanyang mga gamit at ang kalat kalat rin ng kanyang buhok.

Again?! Oh hell no!

Hindi pa gumagaling ang kanyang bukol sa likod na nakuha niya last week lang nang dahil sa mga batang iyon tapos magkakaroon na naman siya ng bago dahil pa rin sa mga batang iyon?

Fuck it!

She bit her lip and clenched her fist. Sinamaan niya ang mga ito ng tingin at tsaka mabilis na kumaripas ng takbo.

"Hulihin ang aswang!"

"Mangkukulam yan!"

Napa-singhap siya nang marinig ang mga batong tinatapon nito sa kanyang direksyon.

Shet! Sana gabi na lang siya umuwi!

Damn it! Kung pwede niya lang hawakan ang mga batang iyon at tsaka parusahan ay ginawa niya na but she can't! She freaking can't! Mas lalo lang siyang mahihirapan kapag gagawin niya iyon!

Kakaliwa na sana siya ng takbo nang bigla siyang madulas at tsaka natumba. Her eyes widened at napa-hiyaw siya nang bumagsak ang kanyang pwet sa sementong sahig. She sobbed and rubbed her butt ngunit saglit lang iyon dahil nang mabuksan niya ang talukap ng kanyang mga mata ay naroon na ang mga batang kalye sa kanyang harapan. She immediately pulled the sleeves of her blouse to cover her hands. Saktan na siya, mahawakan na nito ang kanyang braso wag lang ang kanyang kamay or else she would be in a very big, big, big! Trouble!

"Mangkukula—" babatuhin na sana siya ng mga ito sa kanyang katawan nang biglang may narinig silang ingay sa kanyang likod.

"Hoy mga bata."

Her eyes widened when she heard a male voice, mabilis siyang napa-tingin sa kanyang likod. Humahakbang ito palapit sa kanila at hindi niya alam ngunit hindi pa naman ito nakalapit sa kanila ay nagsitakbuhan na ang mga batang kanina lang ay kamuntikan na siyang saktan.

"Oy, okay ka lang miss?"

She nodded her head. Inalok nito ang kamay nito na siya ring tinaggap niya—

TINANGGAP NIYA?

Oh holy mother of Jesus Christ of Nazareth help me!

Nasapo niya ang kanyang noo nang biglang mag-flash sa kanyang isip ang mga memorya nito tungkol sa isang babae. They were holding hands and laughing with each other.

"Miss? Are you okay?"

Mabilis siyang napa-dilat at tsaka sinapo ang mukha nito. His eyes widened.

Cupid's CurseBasahin ang storyang ito ng LIBRE!