Day 41 : Tamed

13.2K 553 166
                                    

Tamed
-----

Nagmamadali akong tumakbo papasok sa banyo. Mabilis humakbang si JT. Siguradong mayamaya lang ay nasa pinto ko na siya. I don't want him to see me na sabog ang buhok at oily ang mukha—up-close. Dahil, well, nakita na niya kanina sa bintana pagsilip ko.

He had already seen me in different shameful state pero madalas naman do'n ay lasing ako. Ayoko naman na pati kapag matino ako ay parehong kasabugan ko pa rin ang makikita niya.

I immediately checked my face in the bathroom's mirror. It's swollen. Prone na tumaba ang pisngi ko at magmukhang siopao pagkagising kapag puyat ako. At madalas akong puyat.

Mabilis akong naghilamos, nagsepilyo at nagsuklay. Pag-ring ng doorbell ko, may ilang segundo pa 'kong huminga nang malalim.

Pinagbuksan ko ng pinto si JT.

Ngumiti agad siya nang makita ako. Ngiting... nakakaasar.

Sumimangot ako.

"Ano?"

Sa halip na sumagot, lumapit pa siya sa'kin. Pinahid niya ng likod ng palad niya ang kung anumang nasa may panga ko.

"May bula," sabi niya. "Nagmadali ka?"

Pinalis ko ng palad ko ang dinantayan ng kamay niya.

"Hindi," tanggi ko at tumikhim. Hindi naman traydor ang boses ko, 'di ba? Wala namang distinct na tono ang mga taong nagsisinungaling.

"Yeah," dismissive na sabi niya.

Pinigilan kong rumolyo ang eyeballs ko.

"Kain na tayo," aya niya at naglakad tuloy sa kusina ko.

Sinundan ko siya.

Inilapag niya sa mesang kainan ang paperbag ng pagkain at naghalungkat sa kusina. Nakita niya ang kinalalagyan ng plato at mga kubyertos bago pa ako makalapit. Tahimik ko siyang tinulungan sa pagbubukas ng mga food containers at paghahain. He brought fried food, java rice, at soup. Naupo kami pagkatapos.

We ate in silence. Nagsusulyapan lang kami.

Hindi naman ako naiilang. JT is the only person I could tolerate being silent with. Namumungay na ang mata niya sa antok. Ang tamlay na rin niya ngumuya.

"Eat up," pansin niya. "Kumain ka kaysa tinititigan mo 'ko."

Sumimangot ako. Ngumiti siya.

"What did I tell you about looking at me like that, ha, Pagong?" nangungulit na tanong niya.

Napa-tss lang ako.

Tumitig siya sa'kin. "Do you really want me to fall for you?"

Nangunot ang noo ko. I'm torn between bickering with him or discarding his words again. But if he intend to make my heart beats faster than usual... he's effective.

"Assuming, ha?" ani ko.

Mahina lang siyang tumawa. Hindi ko naman mapigilang panoorin siya. Nakakawili kasi e.

"Eat up," sabi lang niya uli.

"Eat up e ikaw nga ang hindi masyadong kumakain," sabi ko.

Humihigop na lang siya ng kape niya.

"Hindi ko na kayang kumain nang marami. I badly want to close my eyes," sabi niya.

"Mukha nga," sang-ayon ko. Parang pipikit na siya anytime.

Hindi ko siya masabihang umuwi na para magpahinga. Ayoko siyang mag-drive nang inaantok. Pero hindi ko rin mai-offer ang unit ko.

Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko ang mesa. Inilagay ko ang natirang pagkain sa ref.

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon