2ND ROSE || The Laws of the Elite

40.5K 1K 95
                                    

2ND ROSE || The Laws of the Elite


- MICHELLE SUMASTRE -


Pakiramdam ko ay kusang nawala ang puwing sa mga mata ko nung makita ko ang mukha ng estranghero sa harap ko na ngayon at nakahawak ang isang bisig n'ya sa aking bewang.

Ang buhok n'ya ay dark coffee-colored hair na mukha na talagang itim sa malayo (sa tantya ko lang) at naka-comma hairstyle ito—na masasabi kong bagay naman sa kanya ito. May pagka-chinky at droopy ang kulay brown n'yang mga mata at may pagka-pinkish at manipis ang kanyang mga labi.

Parang rose petals.

Pinamumugaran ata ang Empire Academy ng mga good-looking rich kids.

"Nuguya?" namamaos n'yang tanong.

"A-Ano?" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Unti-unti rin akong nakaramdam ng pagkailang dahil nanatili lang s'yang nakatitig sa akin.

Who are you?

"Young master, what's happening?" dumako ang tingin ko sa matandang lalaking nasa likod n'ya. Sa itsura n'ya'y nasa mid-50s na s'ya. Kitang-kita na ang wrinkles sa kanyang mukha. Kulay gray na ang iilang hibla ng buhok n'ya at pormal na pormal ang kanyang pananamit.

Marahas akong napasinghap nung makita ko kung ano'ng nasa likuran namin.

So, helicopter pala lumapag sa likod namin. Akala ko UFO. Pahiya lahi ko mga bes.

"Nothing, just go," sagot ng lalaking nasa harap ko do'n sa matandang lalaki. Napatingin s'ya sa akin at agad akong pinakawalan bago umalis nang walang paalam. Yumuko naman sa amin ang matanda bago sumakay muli sa helicopter at umalis.

"Grabe, umalis agad s'ya nang gano'n? Mukha pa s'yang galit sa akin eh wala naman akong kasalanan sa kanya Hoy! Wala akong ginawang masama sa'yo! Prsh," sabi ko sabay ayos ng nabuhaghag kong buhok na naka-braid dahil sa lakas ng hangin kanina. "Aware ba ang hangin na mahirap ayusin ang mahaba at kulot na buhok? Nakakapagod pa namang ayusin 'tong buhok ko. Hays."

"Excuse me, sa'yo ba 'to?" napatingin agad ako sa aking likuran at bumugad agad sa akin ang isang gwapong mukha na ngayon ay nakangiti sa akin.

Jet-black ang kanyang mukha at hindi ganoon ka-kapal ang kilay n'ya. May dimple s'ya sa kanang pisngi na nakikita mo talaga kapag ngumingiti s'ya.

Teka sandali. Natigilan ako at mas napatitig sa kanya. Pamilyar s'ya. Parang nakita ko na s'ya sa kung saan pero hindi ko lang matandaan kung saan eksaktong lugar at oras.

Mukha s'yang artista.

Sabagay, lahat naman ng mga estudyante mukhang artista maliban sa'kin.

Pero 'yung totoo, ilang beses na ba akong nakakita ng gwapong mukha sa araw na ito?

Napatingin agad ako sa hawak n'yang school brochure. Mukhang sa akin ang brochure at mapang iyon, natangay ng hangin kanina nung nabitawan ko. Kinapa ko ang aking bag para kunin ang iba ko pang dokumento (ang student handbook, syllabus, schedule, room number at section ko) bago ko kunin sa kanya ang brochure at mapa. "A-Ah, oo. Sa akin nga iyan."

"Hinahanap mo ang building ng Senior High?" tanong n'ya.

"Oo!" tahimik akong napasinghap at natutop ang aking bibig. Tumikhim ako habang s'ya naman ay bahagyang natawa. "A-Ang ibig kong sabihin, umm... oo. Kanina pa nga ako naghahanap pero 'di ko mahagilap eh," napakamot-ulo na lamang akong sumagot sa kanya.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon