Chapter One

342K 4.9K 489
                                    

Mataman akong nakatingin sa labas para magmasid. Pakiramdam ko ay palaging may nakamasid sa kilos ko. Isang maling kilos, masisira na ang plano namin ng pinsan ko.

"Ano na, Coleen?! Akala ko ba magc-cutting tayo! Tangina kasing subject 'yan! Dinaig pa ang nagmimisa!" Humikab pa ang pinsan kong si Ezekiel habang iritadong nakatingin sa labas ng classroom. Mapapansin sa kanya na inip at mapula na ang mata. Dahil siguro iyon sa antok.

"Kung gusto mo, ikaw na lang magcutting. Akala mo ba gusto kong pumasok? Kung hindi lang nakabantay palagi iyang si Xeus e!"

Kapag nahuli na naman akong nagcut ng klase, sigurado akong malalaman kaagad ni Kuya Hexel dahil sa punyetang si Xeus. Si Xeus ang student council president at alam kong marami siyang galamay kaya makakarating kaagad sa kanya ang balitang hindi na naman ako pumasok ng klase.

"Wala naman si Xeus ah! Naglunch iyon kasama ang girlfriend niya," sabi ni Ezekiel. Tila seryoso talaga siya sa sinasabi. Nag-isip ako ng malalim. Baka makatakas ako ngayon. Hindi naman siguro iyon 24 hours na nakabantay sa akin.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko kay Ezekiel.

"Kakatext lang ni Yvette sa akin. Kasama niya ang girlfriend at kumakain yata sa canteen. Ano, tawagin ko na ba ang mga tropa natin?"

Napairap ako nang makita kong ngiting-ngiti si Ezekiel. Hayok na hayok mag-cutting ang gago. Sabagay, ganoon din naman ako. Lalo na at nakakaantok ang susunod na subject.

"Ikaw ang bahal--"

"Nagreply na sila, Coleen. Halika na, kunin mo na ang bag mo. Sama-sama na tayo sa impyerno."

Humalakhak ako sa tinuran ng pinsan. Para nga kaming pinagbiyak na bunga. Sa lahat ng bagay magkasundo kami, at isa na doon ang magcutting ng klase kapag may pagkakataon. Kapag kumpleto ang tropa, wala na akong mahihiling pa. Magkakapalitan na yata kaming magkakaibigan ng mukha dahil palagi na kaming magkakasama.

"Adik ka talagang kupal ka," humagikhik ako kay Ezekiel at saka hinampas siya sa balikat.

"Tanginang 'to e, napakamapanakit!"

"Dalian mo na at baka maabutan pa tayo ni Xeus. Patay ka kay Daddy kapag nalaman noon na kasama kang nagcutting."

Kinuha ko na kaagad ang gamit ko at marahang lumabas ng classroom. Bahagya pa akong lumilinga dahil baka malaman na naman ng demonyong iyon na liliban ako sa klase. Wala naman kaming napansin sa hallway pero pagliko ko sa may kanto sa east wing, nakasalubong ko si Xeus.

Babalik sana ako para iwasan siya pero huli na ang lahat: nagsalubong na ang tingin naming dalawa. Fuck, this is not good. Retreat!

"Gago, retreat! Andyan si Xeus," hinampas ko si Ezekiel.

"Tangina, Coleen. Wala akong balat sa pwet! Ikaw yata itong meron!"

This fucker. At balat talaga sa pwet ang pinag-uusapan!

Sa pagtatalo naming magpinsan, hindi ko na namalayan na parating na si Xeus. Itinulak ko na si Ezekiel palayo para makatakbo na siya at makatakas. Okay na sigurong ako ang maalaska kesa si Ezekiel. Nakakatakot kapag nalaman iyon ng nanay ni Ezekiel. Mababawasan ng isang taon ang buhay ko.

"Why are you carrying your bag with you? It's still ten in the morning?"

I always admire Xeus's voice. Bagamat malalim ang boses niya, kalmado siyang magsalita. Iyon nga lang, sa ganitong pagkakataon, mukhang kalmado ang boses niya subalit nagyeyelo. Parang sasaksakin ako ng mga salitang lalabas sa bibig niya.

"Uhhh, bawal ba dalhin ang bag kapag lalabas ng classroom?" I rolled my eyes to show him my irritation.

Matiim siyang nakatitig. Kinikilatis siguro kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

The Engineer's Obsession (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon