Kabanata 37

159K 2.3K 143
  • Dedicated kay Beaming_Kai

Dedicated kay @Beaming_Kai :) thank you so much sa support! :">

FEATURED COMMENTS FROM CHAPTER 35:

KimGayol-What I learned in this story is this, wala sa edad ang pagmamahal kundi nasa maturity ng both parties at kung hanggang saan mo ipaglalaban at patutunayan ang love mo sa isang tao kasi madaling sabihin na mahal kita pero ang mahirap gawin ay ang panindigan.  Im thinking what if may dalawang lalaki din na dumating sa buhay ko at like Drake and Tom Andres din ang peg, ang hirap magdecide right...But then in the end puso ang pinili ni Kei Marie na sundin sa maski utak which is for me tama, kung ako nasa posisyon nya si Drake pipiliin ko dahil unang una mahal ko and may bonus pa magandang ugali at magandang pisikal na katangian. mushiyumikoyen-feel na feel ko ung PAGMUMURA ni Drake!!!  




Kabanata 37


"I am not sorry." Panay ang ngisi niya ngayon habang nagbibihis siya ng coat niya! Ngayon na ang alis niya papuntang Pampanga pero nakikipagtalo pa rin ako sakanya! Pero ano nga bang aasahan ko sakanya? Ngingisian lang niya ako dahil alam kong wala na akong magagawa dahil tapos na!


"I really hate you Drake.." Naiiyak na bulong ko, humalukipkip ako habang nakaupo ako dito sa sofa. Nakangiti pa rin siya, lumapit siya saakin. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "That's not true. H'wag kang sinungaling, mahal na mahal mo ako nararamdaman ko." Masayang sabi niya saka hinalikan niya ang buhok ko, tumayo ulit siya saka inayos ang pagkakabutones ng coat niya.

Tumayo naman ako para ayusin ang neck tie niya. "I really hate you." Pag aalburuto ko, ngumisi lang siya, ramdam ko naman na tinutusok ako ng mga mata niya ngayon. Bakit nga ba ako naiinis sakanya?!

"Paano kung mabuntis ako?!!" Sigaw ko sakanya saka hinampas ko ang dibdib niya, tumawa naman siya at hinawakan ang kamay ko. "Edi magiging Mommy at Daddy na tayo..masaya yon." Nakangising sabi niya! Nakakainis talaga, ramdam ko kasi kagabi. Ramdam kong nilagyan niya! Nakakainis! Hindi lang isang beses kagabi, dalawa pa. Bwisit!

Tinalikuran ko siya pero hinila niya ako sa bewang ko at niyakap niya ako mula sa likod ko. "H'wag ka nang magalit," Masayang sabi niya, "S-sabi ko naman kasi sayo kagabi h'wag diba?! Nag aaral ka pa!!" Hiyaw ko sakanya, "Ano naman? Nagtatrabaho na rin naman ako, saka gagraduate na ako ngayong taon sweetheart. Ako bahala dito." Bulong niya at hinaplos niya ang tiyan ko.

"H'wag ka nang mainis. Sige na inaamin ko nung isang araw ko pa pinaplano yon. Saka wala pa naman diba?" Natatawang sabi niya, "Bwisit." Sigaw ko, mas lalo siyang natawa! Humiwalay siya ng yakap saakin at kinuha ang bag niya.

"Sana magkalaman na!!" Masayang sigaw niya, gustong gusto na talaga niyang magkaanak kaming dalawa.

Lumapit ulit siya saakin at sandaling hinalikan ang labi ko. "Kumain ka sa oras. Balitaan mo ako ng sintomas." Pang aasar niya! "Hoy tatlong araw ka lang mawawala.." Hiyaw ko sakanya.


Naglakad na kami papunta sa pinto, hinila ko muna siya at niyakap. "Kung magkakababy ba tayo..hindi mo siya gagayahin?" Tanong ko, huminga siya ng malalim. Natatakot lang ako, ayoko na kasing maulit yung dati.


Marahan niya akong inilayo sa pagkakayakap sakanya, tinitigan niya ang mata ko. "Kung magkakaanak man tayong dalawa, masasabi kong ako na yung pinakaswerteng lalaki sa mundo. H'wag ka nang mag isip ng kung ano ano. Si Drake Cortezano ang nasa harapan mo." Pagyayabang niya, hinampas ko naman siya. "Haha, mahal na mahal kita." Bulong niya saka binigyan niya ako ng sobrang lalim pero sandaling halik.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!