OS #5

23.6K 600 27
                                    

VI.
Crush

KASALUKUYAN akong umaakyat ng overpass. Papunta na 'ko ng school.

Ang aga ko nga. Kasi mas maaga, mas matagal ko siyang matitingnan. Mga galawan, diba?

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi kasi ako sanay ng lakad na taas noo. Kaso parang may nagsasabi sa'king tumunghay, kaya tumunghay ako.

And there, I saw her.

Ang cute niya talaga, lalo na kapag nakalugay 'yong buhok niya. Kaso, hindi siya sanay maglugay kaya madalas siyang nakatali. Hindi ko alam kung bakit.

Habang naglalakad siya, nakatungo rin siya. 'Yan ang isa sa pinagkaparehas namin. Hindi kami sanay na nakataas-noo kapag naglalakad. Tumunghay siya para magtali tapos napatingin siya sa'kin. Tiningnan niya 'ko ng masama habang nakanguso. Alam ko namang pabiro lang 'yon. Parang gano'n na rin kasi batian namin. Tapos ako ngingisi, tapos iirap siya.

Ang sweet namin, diba?

Nauna siya sa'kin maglakad. Binagalan ko kasi kanina, para siya 'yong nasa unahan ko. Para matingnan ko siya habang naglalakad.

Gano'n ang galawan ng mga pogi.

Pagdating namin sa tapat ng school, hindi pa pinapapasok. Masyado pa kasing maaga. Dumiretso muna 'ko sa mga katropa ko.

"Pre." Bati nila sa'kin at nagyakap panlalaki kami.

Pagkatapos namin magbatian, tumingin ako ro'n sa gawi ni Ree. Tumatawa sila no'ng mga kaibigan niya, tapos 'yong iba namang nakarinig na kaklase niya, tumitili.

"Aga aga, tinutunaw mo 'yang si Ree." Natatawang sabi no'ng isa kong tropa.

"Patay na patay?" Singit no'ng isa.

Nagtawanan naman 'yong iba naming tropa.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Walang pakielamanan pwede? Buhay ko, diba?"

Sakto namang pagsabi ko no'n, binuksan na 'yong gate kaya pumasok na kami.

Pagpila ko, tumingin ako sakaniya. Katabi lang kasi namin 'yong pila nila.

Section one kami parehas. Swerte ko, diba? Meant to be nga kasi.

"Hoy, ano ba! Magsipila na kayo. Mamaya makita tayo ni Sir na magulo 'yong pila natin!" Saway niya sa mga kaklase naming 'di nakikinig. Meron ding iba pang nagsasaway bukod sakaniya.

"Huwag pakinggan 'yong mga nagsasaway! Lalo na si Ree!" Pang-aasar sakaniya no'ng isa naming kaklase.

Papansin.

"Kutusan kita diyan! Pumila ka nga ro'n! Letse." Nakakunot-noong sigaw niya ro'n sa lalaki.

Kahit anong anggulo, ang cute niya talaga.

Tinulungan na siya no'ng mayor namin kaya nagsiayos na 'yong mga kaklase ko. Umupo na rin naman siya tapos napatingin siya sa'kin. Nginisian ko ulit siya. Dumila naman siya sa'kin tapos inirapan ako. Umiling iling na lang ako habang nakangiti.

* * *

Recess na namin. Nakatambay sila ro'n sa labas kasama 'yong mga kaibigan niya. Kaming mga lalaki nandito sa loob, pero palabas na rin kami. Kasama ko mga katropa ko.

Paglabas, nakita kong nakaupo siya do'n sa railings habang humahagalpak ng tawa dahil sa pinag-uusapan nila.

Napakunot-noo 'ko.

Masyado siyang magalaw.

"Mahulog ka sana diyan!" Pang-aasar ko na siya naman nagpalingon sakaniya sa direksyon ko.

In that way, alam kong bababa siya.

"Tse! Layas nga rito, shoo!" Sigaw niya pabalik, pero kaagad ding bumaba bago tinuloy 'yong pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

O, diba? Baka kasi malaglag siya ro'n. 'Di nawalan ako ng future wife?

Habang bumababa kami ng hagdan, nagsalita 'yong mga tropa ko.

"Mga style mo." Nakangising sabi no'ng isa.

"Pangbading. Diba, pre?" Dagdag pa nitong katabi ko. Tumawa sila parehas at nag-apir.

Sabay ko silang kinutusan. "Mga siraulo! Tantanan niyo 'ko!"

* * *

NOONG uwian, bigla siyang lumapit sa'kin na siyang ikinataka ko.

Minsan lang 'to unang mag-approach, dahil inis na inis lagi sa'kin.

Pinigilan ko munang ngumisi, baka maasar kaagad biglang umalis, e.

"Pa-picture." Nakangusong sabi niya.

Napatigil ako. "Ha?" Ano raw?

Napakunot-noo siya. "Pa-picture sabi ko!"

Unti-unti akong napangisi na mas lalo nagpa-inis sakaniya.

"Pa-picture na kasi!" Naaasar na sabi niya.

Mainipin talaga. Por que crush kita, under mo na kaagad ako?

Biglang lumitaw 'yong isa kong tropa.

"Dali na, pre. Pakipot pa." Sabay tulak sa'kin sa tabi ni Ree.

Shit ka, pre! Patay ka sa'kin mamaya.

Ililibre kita ng zest-o tapos igo-goodshot pa kita lalo sa pinopormahan mo.

Nakisuyo siya ro'n sa tropa ko. Binigay niya 'yong digicam tapos pinicturan kami.

"Aba, Ree! Asensado!" May sumigaw sa mga kaklase niya.

Sinamaan niya lang sila ng tingin.

Biglang sumigaw 'yong isa niyang kaibigan. "Pag-ibig na 'to!"

Mabilis na namula 'yong mukha niya. "Ayoko na nga! 'Wag na. Hindi na pala!" Nagdadabog na sabi niya sabay kuha no'ng digicam sa tropa ko.

Hinarang naman siya no'ng isang sumigaw kanina.

"Bitawan mo 'ko. Kukutusan kita." Banta niya ro'n sa kaibigan niya.

"Huwag ka pakipot diyan. Hiya ka pa. Pumayag na nga 'yong crush mong magpapicture sa'yo." Nanunuksong sabi nito.

Nanlaki 'yong mga mata niya at natatarantang lumingon sa'kin bago ibinalik 'yong tingin sa kaibigan niya. "Ang daldal mo talaga!" Pabulong na sigaw niya rito.

Napatakip naman ng bibig 'yong kaibigan niya. "Sorry, girl." Sabay peace-sign.

"Hoy! Kuhanin mo nga 'tong babae mo!" Sigaw ni Ree sa isa mga lalaki sa loob na katropa ko tapos padabog siyang umalis.

Bigla namang lumabas 'yong katropa ko at binuhat 'yong kaibigan niya papasok.

"Letse ka! Bitawan mo ko!" Nagpupumiglas na sigaw no'ng kaibigan ni Ree.

Napailing na lang ako.

Sinundan ko naman si Ree.

Tama ba 'yong narinig ko na 'yon?

"Hep. Hep. Hep." Pigil ko sakaniya sa pamamagitan ng pagharang sa harap niya.

Sinamaan naman niya 'ko ng tingin. "Ano?!"

"Crush mo 'ko?" Nakangising tanong ko.

Namula naman siya. "Ano naman?!"

Napatawa naman ako na mas lalong nagpamula sakaniya.

"Tapos ngayon tatawanan mo ko? Letse!" Sabay tanggal no'ng pagkahawak ko sakaniya.

Pinakalma ko muna 'yung sarili ko. Natatawa kasi ako sa mukha niya. Ang cute. Namumula habang nakakunot 'yung noo. Tumataba 'yong pisngi niya.

Pinigilan ko ulit siya. "Ano nanaman?!"

"Sorry na. Ang cute mo kasi. Pero 'di nga, crush mo nga 'ko?" Pangangasar ko pa sakaniya.

Tumungo na lang siya. Nahihiya na siguro.

"Ito na ba 'yong oras na sasabihin kong kinikilig ako at gusto rin kita?" Nakangiting sabi ko na dahan-dahang nagpatingala sakaniya habang nanlalaki 'yong mga matang nakatingin sa'kin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon