MHH-CHAPTER 57

664 22 0

Keena's POV

"WHAT?!!!," hindi ko napigilan ang sumigaw ng marinig ko ang syempre nakakagulat na balita. Duh.

"Sigurado ba kayong walang kung anong nangyari sa kanya? Papanong nawala?!," Jhiro

"Tss. May sulat pa nga daw na iniwan e!" Nikko

"Pvnyeta sabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan kahit pano yung john na yun e!" Jhiro

*Poink*

"Shunga ka ba?! Asawa siya! Malamang mas nag aalala yun kaysa saatin!," ako

Tss. Ang bobo talaga kahit kelan!
Inirapan niya lang ako at gaya ng iba ay muling natigil ang mga mundo namin sandali para mag isip.

"Anong sabi ng daddy niya?," Mika

"Wala. Wala naman inuutos. Malamang may alam siya sa pagkawala ni Anne o hindi pa nakakarating sa kanya yung balita," Nikko

"Imposibleng hindi pa nakakarating ang balita sakanya! Siguro nga may alam siya," Jhiro

Kahit pano pala gumagana ng matino ang utak netong lokong to. Kelangan lang batuk batukan pag minsan. Made in china kasi. Hahaha

"Hahanapin ba natin siya?," mika

Lahat ay nagkibit balikat. Kailangan nga ba talagang hanapin si Anne? Siya ang pinaka malakas saamin, pinaka matalino. Pero buntis siya!

Baka dala lang ng pagbubuntis niya ang pag alis niya. Tsk. Nagiging masyadong emosyonal si Anne.

Joy's POV

I headed back to the kitchen to get some foods. Suddenly my phone ring

"Yes hello, good evening.........wh-what?! . . . . .o-ok! Pupunta ako! Sige. . . . sige bye," then kaagad kong hinang up.

Taranta akong nagtungo sa kwarto ko at hinagip ang coat ko,

"Yaya, I'll be back till midnight! Kapag hindi pa ako umuuwi wag niyo na akong hanapin. Sabihin mo rin kay mom." mabilis kong sambit at umalis na sa bahay.


John's POV

Hubby/Panget/Froggy,

Don't ever try to find me. And don't you ever worry about me and our baby! Hindi ko siya papabayaan. Naisip ko lang, these past few months, hindi na ako ito. Hindi na ako yung Luxianne na kilala ko. Pero this is a good change actually. You changed me for the better and bring the best in me. I promised myself not to cry again. Nah, I wouldn't. Always remember that you are my life. Gusto ko palagi kang masaya. :)
John Peter? Darating ang araw na makakalimutan mo ako. Tanging ang anak na lang natin ang magpapaalala sayo na nakilala mo ang kagaya ko. Don't feel pity for yourself, yes! I admit it! I am so selfish! But....this is for our baby's safety. It's time para ilayo ko siya sa ganitong klase ng buhay. Ayokong mabuhay siya ng walang ama o ina. Pero mas ayokong mabuhay siya sa pakikipaglaban, pagpaslang at pag sisinungaling.

I love you, I always will. I just want you to know that I already know who you really are. (Funny right? All this time I thought I am the most evil person living in this world. Pero hindi pala. And that person, is living with me. Anak niya ang dinadala kong bata)

I still can't accept the fact. Pero mahal na kita e. Wag mo na lang sana idamay ang anak natin. Please lang.

p.s. goodbye

I crumpled it and punched everything including everyone I saw.

"Damn it!!," I snorted.

"What the fuck are you looking at?!," sigaw ko sa lalaking nasuntok ko.

Walking back and fort the hallway, I pulled my phone out of my pocket and dialed Anne's number.

"The person you've dialed is either unattended or out of coverage area"

MANFVCKTHATSHIT!

Enrique's POV

"ANO?!!! Nasaan na si John?," hindi ko maiwasang hindi mapasigaw. Aba kahit sino naman yata magugulat e!

"Oy pare! . hahahaha. Baka ma high blood ka niyan" biro ng kasama ko, si Ian.

"Nag message sa akin si Joy. Umalis daw si Anne," ako

"Anne? Teka. Parang kilala ko siya. Hmmm.....si...si ano yan...ahm. *poink* aray ko pare naman ! Ang tatanda na natin nananapok ka pa rin?!" Ian

"Ang tanda mo na hindi mo pa rin siya kilala!? Tch. Asawa ni Jep pare !!," ako

"Sabi ko na kilala ko siya! Ikaw naman kasi hindi muna ako patapusin. Eh anong umalis? Baka naman may bibilhin lang, tsaka kung si Anne ang umalis bakit si John ang hinahanap mo? Lasing ka ba?" Ian

"Puntahan natin si Jep?," ako

"Tch. Nagpapamiss lang yun kay Jep, hayaan mo na silang maghanapan," Ian.

Tsk. Wala talaga 'tong kwentang kausap.

"Oy oy! Teka saan mo dadalhin ang ice cream ko?!!!!," Ian

"Ibibigay ko kay jep, siguradong mainit ang ulo non!," ako sabay takbo palabas ng bahay niya at sumakay kaagad sa kotse. Tawa ako ng tawa sa itsura ni Ian, naka boxers lang siyang lumabas sa bahay nila.

"Akin na yan! Oooy!!,," hindi na niya ako nahabol dahil pinaharurot ko na ang kotse ko.

Johns house

"Dude ano bang nangyari?," kaninang kanina ko pa siya tinatanong pero palakad lakas siya at nahihilo na ako kasi pabalik balik siya.

Hindi pa siya nagsasalita mula pa kanina.

Actually madaling araw na, pero mukha yatang hindi bibigay sa paghahanap ng pokemon 'tong si Jep.

"May pinag sabihan ka ba?," agad akong napaupo ng maayos sa tanong at tono ng pananalita niya.

"Wala. Alam mong sa bagay na yan tikom ang bibig ko, hindi ko kayang sabihin yun sa kahit na sino kahit kelan," ako

Seryoso niya akong tinitigan na tila sinusukat ang katotohanan sa aking mga sinabi. Nang makuntento siya ay naupo siya sa tabi ko....

"Paanong nalaman niya ang tungkol don?! Tsaka bakit ngayon pa?! Kung kelan gusto ko nang magbago. Kung kelan may anak na ako !!," hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko, sobra siyang galit. Pero ramdam kong nasaktan rin siya ng sobra.

Kahit pa sabihing best friend niya ako, alam kong wala saakin ang karapatan para magpayo sa kanya. He sure knows what he's doing, ang one thing is certain. Hindi siya titigil hanggat hindi naiuuwi ng ligtas ang mag ina niya.

My Heartthrob HusbandBasahin ang storyang ito ng LIBRE!