Chapter 14

12.9K 402 5
                                    

Chapter 14

ALEXIS

Agad naman pinantay ni Jake ang lakad namin dahil hinahanap namin ang mga kasama namin.

"Baka nasa cafeteria na sila," sabi ni Jake.

"Kakakain lang natin ng breakfast ah at lunch, nagutom na agad sila?" tanong ko at tumango lang ito.

"Matanong nga kita may mga halimaw ba sa tiyan ang mga kasama mo?" tanong ko.

"Kilala mo naman kam-"

"Hindi ko pa kayo kilala," pag-putol ko sa kanya ay tinaasan ito ng kilay.

"Oh? Okay." Gulat nitong bigkas at ngumiti, "Dont mind them. Mabilis talaga magutom ang mga tao kapag pagod."

"Tara! Baka nga nasa cafeteria sila," sabi ko at nagpunta kami sa cafeteria at tama nga si Jake dahil nasa cafeteria silang lahat.

"What are you'll doing?" tanong ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib. Nasa likod ko si Jake at seryoso ang mukha.

"Hindi mo ba nahahalata na kumakain kami," sarcastic na sagot ni Andrei at nagpatuloy sa pagkain.

"Alam ko ang kaso..." sabay tingin sa mga kasama kong babae, "Akala ko ba Stella nagda-diet ka?" tanong ko na ikinatigil niya sa paglatak sa meat.

"Hehe! Mayparaan pa naman para pumayat 'di ba?" sabi ni Stella kaso sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil na siya at tumayo.

"Sige at matulog na raw kami ni Ms. Fortalejo. Goodnight," sabi ni Stella at ikinaladkad na ako papunta sa dorm ng girls.

Papunta na kami sa room at nag-taka kami ng may pagka-awang ang pinto namin kaya nagtinginan kami.

"M-may magnanakaw b-ba?" tanong niya. Pero umiling ako at ngumiti. Senyas na kailangan niyang kalmahin ang sarili nito at huwag sumigaw.

"Ako muna ang papasok sisigaw nalang ako kapag tatakbo ka, got it?" tanong ko kaya tumango nalang siya.

Pumasok ako at bigla ko nalang nabitawan ang mga dala kong bag.

STELLA

"What are you doing here?!" galit na tanong ni Alexis mula sa loob.

Hala! Sino ang pumasok sa room namin. Kilala naman ata ni Alexis ang pumasok kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nabitawan ko na rin ang mga dala ko.

"Mom? Dad?" tanong ko na ikinagulat din ni Alexis at bigla nalang luminaw ang madilim na aura nito at napairap nalang.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at inilagay sa table ang mga bags ko.

ALEXIS

It's Dad.

Yes. Si Dad ang nasa room at may kasama siyang parents rin. Tsk. 'Wag niyang sabihin na ipapa-arrange marriage na naman nila ako sa isang hindi maipaliwanag na lalaki.

Tsk... At oo ginagawa nila iyon sa akin para sa business nila.

"What are you doing here?!" sigaw na patanong at kung wala akong pakialam kung nagmumukha akong bastos sa harap ng parents na kasama niya. Well, they should know the better version of me.

Nagulat ako ng pumasok si Stella sa room at nabitawan niya rin ang mga dala niyang bag sa gulat.

"Mom? Dad?" tanong ni Stella na ikinagulat ko pero tinago ko ang naging expression ko at napairap nalang.

Mga magulang ni Stella ang kasama ni Dad at may pinagbago kay Tito Kyle kaya hindi ko siya nakilala ng mabuti. May gagawin ata si Tito Kyle kaya nag-dusguise siya.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon