Kabanata 35

173K 2.5K 261

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

eniallej-Akala ng ibang tao material n bgy ang magpapasaya sayo pro hnd e.Yung may magmamahal lang sayo as how Drake to Marie is more than enough to make my life complete.Yung just looking forward lang and leave out all the rest tlga.So nice tlgang mainlove.. eurmylyn4ever-ang init! december na pero ang init parin!! kyaaaah!! nakakakilig naman yung sinabi ni drake na mas gusto pa nyang wala ng ganunan basta di lang sya ewan marie.. kyaaaah! sinong di bibigay dun??? annttpmntn-Sheeet!! Kinikilig ako. Hahaha. Bwisit naman si Drake at yang nagmumurang dimple niya. Lol. Kalokaaa. Bilib talaga ako sa mga lalaki na ganito, yung kagaya ni Drake. Asilor-Ramdam na ramdam ko ung pag iingat at pagrespeto ni Drake kay Kei Marie.



Kabanata 35


"Uyy, blooming ang peg." Puna ni Mateo saakin ngayong kumakain kami ng lunch. "Gaga." Natatawang sabi ko sakanya, "Hindi na ako magtatanong kung bakit ka late, sapat na yung tawag ni Mr.Pandy na napasarap ang tulog mo." Natatawang sabi niya, nag init ang mukha ko dahil doon. Tulog na tulog ba talaga ako kaya hindi ko naramdaman na maagang gumising si Drake?



"Uy hindi ah." Pag dedeny ko saka sumubo ako ng pagkain. "Sus, teh saakin mo pa nakuhang maglihim ha! Pero alam mo girl, simula ng maging okay kayo niyang si Mr.Pandy, hindi ka na masyadong nagtataray. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng love?" Natatawang tanong niya, maging ako natawa. Oo nga ano? Hindi na mabilis uminit ang ulo ko simula ng maging maayos kami ni Drake, para bang ang ganda ganda lagi ng araw ko.

"Sino ba namang magsusungit kapag mayroon kang mabait na boyfriend?" Pagyayabang ko sakanya, inirapan naman niya ako habang tumatawa siya. "My gosh girl, you already!" Hiyaw niya, tumawa lang ako. Ngayon ko lang naramdaman yung saya na 'to, yung tipong gusto mo palagi mo siyang kasama, pero syempre hindi naman pwede yon.

"Masaya ako para sayo girl." Nakangiting sabi niya saakin, "Thank you bakla." Bulong ko sakanya.


Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa studio kung saan nagshoo-shooting yung dalawang napiling model para sa products namin. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang nakatalikod at pinagmamasdan yung shoot. "Uyy, sandali palang nagkakahiwalay nandito na kaagad." Pang aasr ni Mateo, kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya sumigaw siya na naging dahilan nang pagharap ni Drake saamin.

"Napakalandi mo bakla." Naiinis na bulong ko kay Mateo saka ibinalik ko ang tingin ko kay Drake, nakapamulsa siya at ang lalim nanaman ng titig niya saakin, pinagtaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya ako.

"I miss you." He mouthed, namula ang mukha ko! "Yiie, kinikilig si bakla." Pang aasar ni Mateo! "Asa.." Mariin na bulong ko, pero totoong kinikilig ako sa boyfriend ko, dammit ang sarap tawaging boyfriend ko talaga siya! Humakbang siya palapit saakin at halos mapasinghap ako nang hapitan niya ako sa bewang para lang halikan sa labi.

"Gosh ang PDA." Bulong ni Mateo, marahan kong itinulak si Drake, "Hey,nasa trabaho ako." Bulong ko sakanya, "I don't care sweetheart, namiss kita." Bulong niya sa tainga ko, lumayo ako ng kaunti sakanya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta dun sa may screen kung saan pinapanood ng director yung shoot.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!