Chapter 14: Her Fight

3.3K 82 24
                                    

CHAPTER 14: HER FIGHT

Naalimpungatan ako sa mahapding pagtama ng matulis na bagay sa balat ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa aking ulo para maharangan ang balat ko sa sinag ng araw. Tinatamad pa akong bumangon.  Automatiko ko namang nilaylay ang kamay ko sa may dulo ng kama. Hinihintay ko ang pagdampi ng dila niya sa mga daliri ko.. wala. Nakapikit lang ako pero unti-unti ng kumukunot ang noo ko. Bakit wala siya?

I jumped out of the bed when the questions in my mind aligned into an answer.. one answer.. Wala ako sa sarili kong bahay!

Sinapo ko ang ulo ko na nabigla ata sa bigla kong pagbangon. Kung wala ako sa sarili kong apartment…

“MARTIN!!!” Para akong naghihisterya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Nagpapanic ang loob ko. Bakit wala siya? Bakit hindi ko man lang siya naisip? Si Miracle… “MARTIN!!!”

Nakarinig ako ng mabibilis na yabag na paakyat ng hagdanan. Palapit ito ng palapit sakin hanggang sa maramdaman ko ang pabalyang pagbukas ng pinto.

“Ma.. martin..” Nagulat ako sa boses ko.. Hinang-hina.  Bakit wala siya? Bakit wala si Miracle?

Naramdaman ko na lang ang katawan ko na nakakulong sa mga bisig niya. Hindi niya hinahagod ang likod ko. Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malalim niya na paghinga. Nakayakap lang siya sa’kin. Na parang sinasabing.. nandyan lang siya.

“Si.. si Miracle.” Napapikit ako at hinigpitan ang kapit sa t-shirt niya. “Na-naiwan natin siya.”

“Wala na siya, Chloe.”

Hindi ko alam kung posible, ngunit naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko. Mali lang ba ako ng pagkakarinig? Ang alam ko.. babalikan lang namin siya sa bahay. Oo, ‘yun nga ang sinabi niya. Baka-baka gutom na yun. Baka hinahanap na niya ako.

Humiwalay siya sa’kin at hinawi ang buhok kong nakatakip na sa mukha ko. “Last night.. I went back to your apartment. There, I-I saw him.”

“Si-si Miracle?! Anong nangyari sa kanya?!” Inabot ko ang kanyang balikat at inalog-alog ito. Ayoko.. ayokong marinig. Yung aso kong ‘yun.. hindi lang naging alaga sa’kin. Sa isa’t-kalahating buwan na nakasama ko ito, kahit papaano.. sa mundong puro kadiliman lang ang bumabalot sa’kin, isa siya sa mga naging katuwang ko. Sa tuwing mag-isa lang ako sa bahay, siya ang naging kasama ko, naging taga-buhos ko ng lahat ng nangyari sa’kin, sa lungkot man o saya…

Kaya hindi pwede.. hindi pwedeng mawala lang siya.

“A-anong nangyari?”

Hindi niya ako sinagot bagkus nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa’min.

“Ms. Nacional.”

Nagpanting ang aking tenga pagkarinig ko sa boses na ‘yun. “Anong ginagawa niya dito, Martin?!”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon