Panunuksong sabi nito.

Umurong ang dila ko. Napatingin ako kay Vincent na ngayon ay nanlilisik ang mata.

"At bakit ka nandito Vincent? Sa pagkaka alam ko ikaw ang nagdala sa babaeng to sa institute? Hindi kaya....may kinalaman ka sa kanya?" nilipat nito ang tingin kay Ltn. Yuan.

He's eyes are blazing with fire. Lumapit ito kay Ltn. Yuan pero hinigit na sya ni Juliet at Bryan palayo.

"We know the story Ltn Yuan. Sinali ni Vincent si Cassie sa Devil's game bilang pagtanaw na utang na loob. Purely coincidental lang ang nangyare kung totoong sya nga si Messiah." Paliwanag ni Juliet.

"We better prove it first na sya nga si Messiah. If she truly killed those men it doesn't mean she's the Messiah. Anyone can kill, Ltn. Yuan. Lalo na she is here to be the Red Assassin." Paliwanag sa seryosong tono si Bryan.

Tama ka Bryan!!!

"Therefore, bakit nandito ka?" Tanong ni Ltn. Yuan na hangang ngayon ay may tono pa rin ng pagbibintang.

"Alam naman natin noon na ikaw ang nagpatakas sa batang Messiah, Vincent. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganito na lang ang pake alam mo sa babaeng to."

Nagtaim bagang si Vincent na tila ay napipikon na sa mga sinasabi ni Ltn. Yuan.

Tumingin ito ng deretso kay Ltn. Yuan "She's my girlfriend."

Una ay akala ko ay nagkamali lang ako ng rinig dahil baka napektuhan na ng kuryente ang tenga ko pero halata sa mga mukha nila Bryan at Juliet ang milog sa mga mata nila which means tama nga ang rinig ko!

"Is that an enough answer, Ltn.?" tinignan nya ng mala agila ang ltn. Na ngayon ay masama na rin ang tingin. "Don't worry. Darating si Messiah sa takdang oras."

"Kung ganon alam mo kung nasan sya?" patutsada nito.

"Hindi ko alam kung nasan sya at kung darating man sya ikaw ang una nyang gigilitan ng leeg." Matalim na bangit ni Vincent.

Hindi na ito umimik at nag walk out kasama yung ilang guards nya. Umiling iling si Juliet habang naka ekis ang balikat ni Bryan.

"This is insane, Vincent. Custody sya ni General. Your authority can't do something on this." Balisa sabi ni Juliet.

Tumingin naman sakin si Vincent. He looks so calm now.

"She's in danger. Bingi si general pagdating sa kaso ni Messiah. She can't be in executed." Frustrated na sabi ni Bryan. Executed?

"What do you mean?" Imposible. Hindi ako pwede iexecute!

"Bibitayin ka na sa pangalawang araw. Kahit wala pang result ang DNA." Sabi naman ni Juliet na mataray pa rin ang tingin sa akin.

"Tell me, ikaw ba ang pumatay kay Stan at Brandon?" Diretsong tanong sa akin ni Vincent. Lumunok ako.

"Oo. Pinatay ko sila dahil..balak nika akong pagsamantalahan." Hindi ako makatingin ng ayos kay Vincent.

Napansin ko ang pag iling ni Vincent. "Tangina nila." Mahina ngunit may galit sa tono ng boses nya.

Tumingin na ako sa kanya.

"Hindi ko mapapatawad kung sino man ang humawak sayo. Tama lang ginawa mo Santiago." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Looking in his eyes feels like I am safe.

"Itatakas kita dito." Pero sa sinabi nyang yon ay kumonot ang noo ko.

"Hindi pwede." sabi ko.

The Red AssassinWo Geschichten leben. Entdecke jetzt